PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Saviour Ramos on dad Wendell appearing in Dyesebel

Saviour Ramos, gumaganap na merman sa Raya Sirena.
by Jojo Gabinete
Published Apr 24, 2022
saviour ramos raya sirena
Saviour Ramos on his merman costume: "Hindi naman po ako nahirapan sa merman costume. Mahirap lang po ang pagsusuot pero kapag nasa water na, hindi na mahirap, kasi nandoon po ang lahat ng mga tumutulong sa amin, yung staff, si Direk..."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Ngayong Linggo ng hapon, April 24, 2022, ang pilot telecast ng Raya Sirena, ang seven-part weekly fantasy series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Sofia Pablo, Allen Ansay, at Saviour Ramos.

“Proud of you soldier” ang mensahe ni Wendell Ramos para kay Saviour, ang anak ng aktor na sinusundan ang mga yapak niya sa showbiz.

“Galing mo ‘nak. Keep praying para lalo pang dumami ang blessings,” bilin pa ni Wendell kay Saviour, na gumaganap na merman sa Raya Sirena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labing-apat na taon na ang nakalilipas, lumabas din si Wendell sa TV series ng Kapuso Network tungkol sa sirena, ang Dyesebel (2008), na tinampukan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Siyam na taon pa lamang si Saviour nang mapanood si Wendell sa Dyesebel kaya nagulat pa siya nang sabihin namin sa kanyang nagkaroon din ng TV assignment ang kanyang tatay na may kinalaman sa sirena.

“Nag-Dyesebel ba si Papa? Nakalimutan ko, bata pa ako noon, e,” sabi ni Saviour. “

Mabilis na nag-Google sina Sofia at Allen kaya nakumpirma nilang kasali nga si Wendell sa cast ng Dyesebel, na anim na buwang ipinalabas sa GMA-7 mula April 28, 2007 hanggang October 17, 2008.

Ang kaibahan lang, normal na tao ang ginampanan ni Wendell sa Dyesebel samantalang merman ang role ni Saviour sa Raya Sirena.

Pero hindi naman daw nahirapan si Saviour sa kanyang blue fish tail costume dahil nagawa pa nila ni Sofia na gumawa ng TikTok video na nakatayo habang suot ang kanilang mga buntot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

saviour ramos sofia pablo

“Hindi naman po ako nahirapan sa merman costume. Mahirap lang po ang pagsusuot pero kapag nasa water na, hindi na mahirap, kasi nandoon po ang lahat ng mga tumutulong sa amin, yung staff, si Direk...

"Tulungan po talaga sila. May naka-assign po sa akin, siya ang nag-aayos ng tail ko," ani Saviour.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Saviour Ramos on his merman costume: "Hindi naman po ako nahirapan sa merman costume. Mahirap lang po ang pagsusuot pero kapag nasa water na, hindi na mahirap, kasi nandoon po ang lahat ng mga tumutulong sa amin, yung staff, si Direk..."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results