PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mommy Dionisia first public appearance since pandemic started

Mommy Dionisia, dumalo sa campaign rally ni Manny sa San Juan.
by Jojo Gabinete
Published Apr 25, 2022
mommy d on son manny pacquiao
Mommy Dionisia Pacquiao shows her support for son Manny Pacquiao at the presidential candidate's campaign sortie in San Juan City last Saturday, April 23, 2022.
PHOTO/S: Facebook

Magdiriwang si Dionisia "Mommy D" Pacquiao ng kanyang 73rd birthday sa May 15, 2022.

Ang hiling niya sa sambayanang Pilipinas para sa kaarawan niya ay ang ibotong pangulo ng Pilipinas sa halalan sa May 9 ang kanyang anak na si Senator Manny Pacquiao.

Ang coronavirus pandemic ang dahilan ng matagal na pananahimik at pamamalagi ni Mommy D sa General Santos City. Pero bumiyahe siya sa Metro Manila noong Sabado, April 23, para ipangampanya ang kandidatura ng kanyang anak sa San Juan City.

Ikinuwento ni Mommy D sa mga supporter ng Pambansang Kamao na na-miss niya nang husto ang Maynila at hindi natuloy ang commercial na kanyang gagawin dahil sa pandemya.

“Di pa niyo ako nami-miss na hindi niyo ako nakita dahil sa pandemic?” tanong ng ina ni Manny sa mga supporter ng kanyang anak.

“Pati commercial ko, na-stop dahil sa pandemic, hindi tayo makalapit sa tao.

"Nami-miss ko na ang Manila. Nagpunta ako dito sa Manila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong pa niya sa mga tao: “Sino ang madaming mahirap dito? Pataas ng kamay!”

Nagulat si Mommy D dahil marami ang nagtaas.

“Sus, ang daming mahirap!

“Gusto ba niyong magpatuloy ang hirap? 'Yan ang hinahangad ko!

"Nanghingi ako sa inyong puso, ang anak ko, inyong suportahan sa Mayo 9," tila nalitong pahayag ni Mommy D, na hindi gaanong bihasa sa Tagalog, tungkol sa kahirapan.

Humingi ng paumanhin si Mommy D dahil hindi raw siya nakapaghanda ng kanta at kung “nakapag-prepare,” tiyak daw na magkakaroon siya ng exhibition dancing.

Nag-uumapaw sa tuwa ang puso ni Mommy D dahil sa mga taong dumalo sa rally na patunay umanong marami ang nagmamahal sa kanyang anak na presidential candidate.

“Sa nakita ko ngayong gabi sa daming tao, ibig sabihin mahal na mahal ninyo ang aking anak.

“Mahal na mahal ko kayong lahat. Kahit may edad na ako, nag-dancing ako para makita ninyo ako.

“Sino ang senior citizen dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang dami! Ilang taon ako, ilang taon? Seventy-three years old na ako sa Mayo.

"Gusto ko, iregalo niyo sa aking birthday ang pagboto niyo sa anak ko.

"Kapag manalo si Manny, malaking birthday ang darating sa buong Mindanao," pangako ng karakter at natural comedienne na ina ni Manny.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mommy Dionisia Pacquiao shows her support for son Manny Pacquiao at the presidential candidate's campaign sortie in San Juan City last Saturday, April 23, 2022.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results