Malaki ang kontribusyon at kinalaman ni Willie Revillame kaya nagkaroon ng showbiz career si Herlene Budol, aka Hipon Girl.
Si Willie ang nagbigay ng break kay Herlene kaya naging co-host ng programa niya ang dating contestant ng Wowowin.
Dahil kay Willie, naranasan ni Herlene na makasakay sa eroplano sa unang pagkakataon at makapagbiyahe sa ibang bansa (Singapore) noong July 2019, kaya tumatanaw siya ng malaking utang na loob mula sa sikat na TV host.
Si Willie ang tumawag kay Herlene sa cell phone nang malaman nitong opisyal na kandidata sa Binibining Pilipinas 2022 ang dating co-host niya sa Wowowin.
Read: Herlene Budol makes it to Top 40 of Binibining Pilipinas 2022
Ngayong Lunes ng hapon, April 25, 2022, nagbigay-pugay si Herlene kay Willie sa pamamagitan ng kanyang post sa Instagram.
Ito ang unedited message ng aspiring beauty queen na nangangarap makuha ang Bb. Pilipinas-Grand International 2022 title:
“Hi mga KaSquammy, after ako ma- announce na official candidate ng Binibining Pilipinas 2022, tumawag sa akin si Kuya Willie Revillame para e- congratulate ako.
“Isa rin karangalan din para sa akin na Kuya Wil eto noh..hehe.
“Masaya na may halong iyak ako habang kausap ko cya sa phone dahil cya ang humulma sa akin at sobrang proud cya sa akin at natutuwa po cya sa akin kasi lagi ko daw cya ina-acknowledge! D ko raw cya nakakalimutan!
“Siempre naman alagang Wowowin si Hipon Girl. Nag-gain ako ng popularity dahil pag-join ko sa Wowowin segment 'Willie of Fortune' tapos cya din nakakita sa aking potential at ginawa akong regular host dahil sa kakulitan at funny jokes ko!
“Malaki utang na loob ko sa kanya. dahil kalahating utak ko, cya ang nag-ambag.”