Pansamantalang magpapahinga sa public service ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto matapos ang dalawampu’t apat (24) na taong paglilingkod sa bayan.
Nagsilbi si Vilma bilang mayor ng Lipa City mula June 30, 1998 hanggang June 30, 2007.
Naging gobernador siya ng lalawigan ng Batangas mula June 30, 2007 hanggang June 30 2016.
Sa kasalukuyan, siya ang House Representative ng 6th District ng Batangas, at matatapos ang kanyang termino sa June 30, 2022.
Marami ang kumumbinsi kay Vilma na kumandidatong senador para sa halalan sa May 9, 2022 dahil malaki ang kanyang tsansang manalo. Matibay na ebidensiya nito ang mahusay niyang paglilingkod bilang public servant.
Pero pinili ng multi-awarded actress-politician na magpahinga.
Ang anak ni Vilma na si Luis Manzano ang surprise guest ni Willie Revillame sa live streaming ng Wowowin sa YouTube at Facebook kahapon, April 25, 2022.
Si Luis ang tumawag sa kanyang ina sa cell phone para makausap ito ni Willie.
Read: Willie Revillame at Luis Manzano, nag-prank call kay Vilma Santos: "Kayo po ba si Ate Guy?"
Isa sa mga napag-usapan nila ay ang desisyon ng Star for All Seasons na huwag kumandidato sa eleksyon sa May 9.
Tanong ni Willie sa kanyang ninang sa kasal: “Are you running?”
Sagot ni Vilma: “I took a backseat. Hindi ko kinaya yung pressure ng COVID-19 before.
"At saka hindi ako in-allow ng doktor ko kasi sa edad ko rin. Hindi pupuwede if I will go around the Philippines.
“Hindi pupuwede, magiging unfair ako sa boboto sa akin pagka itinuloy ko.”