PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anne, Sarah, Vice comeback projects in Viva

Vivamax, kumpleto na ang lineup ng mga pelikula hanggang September 2022.
by Jojo Gabinete
Published Apr 26, 2022
anne curtis sarah geronimo vice ganda viva
Tiniyak ni Viva president at COO Vincent del Rosario Jr. na magbabalik sa pelikula ang prized stars ng Viva na sina (mula kaliwa) Anne Curtis, Sarah Geronimo, at Vice Ganda.
PHOTO/S: Instagram

Naganap ang launch ng "Summer to the Max" campaign at unveiling ng mga poster ng mga bagong pelikula ng Vivamax sa isang event place sa Quezon City nitong Martes ng hapon, April 26, 2022.

Ang Vivamax ay ang number one Filipino streaming platform na mayroon nang three million subscribers at patuloy na nadaragdagan ang bilang.

Inilunsad ito noong January 2021 pero mabilis na gumawa ng ingay at tinangkilik ng publiko na nawalan ng aliwan at pagkakataong makapanood ng mga pelikula sa mga sinehan dahil sa coronavirus pandemic.

Abril pa lamang pero kumpleto na ang listahan ng mga pelikula ng Viva Films na mapapanood sa Vivamax hanggang sa September 30. Ibig sabihin, natupad ang plano nilang maglabas ng apat na mga bagong pelikula sa loob ng isang buwan.

Humarap sa entertainment press ang Viva president at COO na si Vincent del Rosario Jr. Personal niyang pinasalamatan ang lahat ng sumusuporta sa kanilang matagumpay na streaming platform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin tungkol sa pagbabalik nina Anne Curtis, Sarah Geronimo, at Vice Ganda sa paggawa ng pelikula, tiniyak ni Vincent na may mga proyektong nakahanda para sa mga prized star ng kanilang movie company.

vincent del rosario jr.

Vincent del Rosario Jr.

Ayon sa Viva executive, “Si Anne, hinihintay lang yung script.

"In essence, okay naman siya. Gusto lang niya mabasa ang script so that can happen in the next quarter, in the next few months.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Sarah, nag-line up sina Val [del Rosario] ng mga ipi-pitch na concept sa kanya. Medyo mas mahirap lang kasi very selective si Sarah sa gusto niya.

“Meron siyang concept na gusto. Kailangan lang i-fine tune para pumasok sa gusto niya.

"Basically, ang gusto niya, gumawa ng musical movie so we have to find the right theme.

“Si Vice naman, inaayos na. Nag-uusap na sila ni Boss Vic for her next project. Hopefully for the festival and there after, for the platform."

Tiyak na ikatutuwa ito g mga tagahanga nina Anne, Sarah, at Vice na matagal nang naghihintay na muli silang mapanood sa big screen.

Dumalo sa "Summer to the Max" event ang mga baguhang sexy stars gaya nina Ayanna Misola, Christine Bermas, Cara Gonzales, Jela Cuenca, at AJ Raval.

Nakikita lamang sila ng entertainment writers sa mga digital media conference kaya namangha ang mga ito dahil higit na magaganda sa personal at hindi bastusin ang mga kababaihang pinapantasya ng mga kalalakihan sa kanilang erotic movies na pinagbidahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tiniyak ni Viva president at COO Vincent del Rosario Jr. na magbabalik sa pelikula ang prized stars ng Viva na sina (mula kaliwa) Anne Curtis, Sarah Geronimo, at Vice Ganda.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results