PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA Supershow hosts Maricel Laxa, Mariz reunite in Apoy Sa Langit

Maricel Laxa at Mariz, may basbas ng pamilya ang pagbabalik-showbiz nila
by Jojo Gabinete
Published Apr 27, 2022
maricel laxa mariz apoy sa langit
Former GMA Supershow co-hosts Maricel Laxa and Mariz reunite in Kapuso afternoon drama series Apoy Sa Langit.
PHOTO/S: Instagram

Ang afternoon drama series na Apoy Sa Langit ang reunion project nina Maricel Laxa at Mariz.

Dalawa sila sa mga co-host ng pumanaw na TV host na si German Moreno sa defunct Sunday noontime variety program nito, ang GMA Supershow na napanood din sa nabanggit na network mula 1984 hanggang 1997.

Unang naging co-host si Mariz ng GMA Supershow mula 1986 hanggang 1997, at nagkasama sila ni Maricel sa nasabing show mula 1990 hanggang 1997.

Ang pagkakaroon ng asawa at mga anak ang dahilan kaya tinalikuran ng dalawa ang mga showbiz career nila, pero ang kanilang mga pamilya rin ang nag-udyok kina Mariz at Maricel para balikan ang pag-arte.

Lahad ni Maricel sa virtual media conference ng Apoy Sa Langit kahapon, April 26, 2022, “Sabi nila, 'Mom, you know, we’re fine. You’ve given us enough time. It’s time for you to shine now.'

"And I didn’t think of myself coming back to showbiz or even imagining na magkakaroon pa ako ng second wind and season na mae-enjoy ko talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, I am just so happy na I have their blessing and excited sila na malaman kung ano yung mga bago kong natututunan.

"'Tapos marami rin akong nae-explore na mga bagay na nagugulat ako so naggo-grow ako. Naggo-grow din yung audience.

"And natutuwa akong may pagkakataon pa na ganito na ibinigay sa isang artista na nagbabalik kasi hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon.”

Labindalawang taong hindi tumanggap si Mariz ng mga TV assignment.

Gaya ni Maricel, may pahintulot ng kanyang pamilya ang desisyon niyang tanggapin ang alok na maging isa sa mga artista ng Apoy Sa Langit.

Saad ni Mariz, “There were offers before pero hindi talaga nagma-materialize. Hindi nagpo-progress.

“Ito lang yung project na parang talagang may pinagdaanan and this came to me at the most perfect time. I was ready, my family was ready, Ronnie is ready.”

Naranasan ni Mariz sa kauna-unahang pagkakataon na malayo sa kanyang asawang si Ronnie Ricketts dahil sa lock-in taping ng comeback project niya sa telebisyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Alam ko naman ang set-up ng bagong mundo ng taping, lock-in, pandemic pa rin tayo, so in-embrace namin ni Ronnie ang chance na yun.

“This is the first time na nagkahiwalay kami nang matagal. For twenty-eight years, hindi kami naghihiwalay and ito yung challenge sa amin.

"Pero surprisingly, nag-enjoy ako. Nakakita ako ng second family sa grupo na 'to."

Kapwa mapalad ang pakiramdam nina Maricel at Mariz dahil nabigyan sila ng tsansang makatrabaho ang award-winning actress at direktor na si Laurice Guillen, ang direktor ng Apoy Sa Langit.

Mapapanood ang Apoy Sa Langit simula sa May 2, 2022.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former GMA Supershow co-hosts Maricel Laxa and Mariz reunite in Kapuso afternoon drama series Apoy Sa Langit.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results