Ang puwersahang pakikipagtalik sa isang lalakeng masahista ang isa sa mga kontrobersiyal na eksenang ginawa ni former Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus housemate Josef Elizalde sa X-Deal 2.
Ang X-Deal 2 ang unang sexy movie project ni Josef.
Read: Josef Elizalde, ngayon lang naranasang magbida pagkatapos ng 14 years sa industriya
Sa digital media conference ng Doblado, ang kanyang second erotic movie, ngayong Huwebes ng hapon, April 28, 2022, tinanong ng Cabinet Files si Josef kung bukas ba siya sa idea na magkaroon ng love scene sa kapwa lalake sa mga susunod na mga project niya.
"Actually, ako rin nagulat. Ang hirap…” pagsasalarawan ni Josef sa same-sex scene niya sa X-Deal 2.
“Hindi naman siguro sa open [ako], hindi ko pa actually masyadong naisip yun. But kasi yung sa eksena namin na yun, nadaya naman kasi yun.
“Pero pag-usapan kung kaya ko ba makipag-make love sa isang lalake, yun siguro ang kailangan ko talagang pag-isipang mabuti kung worth it ba.
“I mean, kung ano yung magiging effect sa career ko, kasi siyempre hindi naman puwedeng dapat tanggap lang ako nang tanggap.
“Kailangan isipin ko rin yung epekto niya sa career ko at sa akin, sa pagkatao ko…”
Pagbubunyag pa ni Josef, nakatanggap siya ng mga indecent proposal mula sa LGBTQ community dahil sa kanyang pinag-usapang eksena sa X-Deal 2.
Lahad niya, “After ng scene na yun, ang daming nagulat, especially mga friend ko. Hindi ko sinabi sa kanila para hindi ma-spoil.
“Ang dami, ang daming nag-message sa akin.
"And then siyempre, I got a lot of messages from mga LGBTQ [members] na humihingi sa akin bigla ng mga fantasies nila.
“Madami, madaming nag-message, mga indecent proposal din. If willing ba ako na gawin yun sa totoong buhay…”
KEEPING IT A SECRET FROM HIS MOTHER
Pinag-isipan daw mabuti ni Josef ang kanyang desisyong maghubad at gumawa ng mga maseselang eksena sa pelikula.
Ayon sa aktor, inilihim muna niya sa kanyang ina ang pasyang tumanggap ng role na kailangan ng mga nude at intense lovemaking scene.
“Actually, hindi ko sa kanya sinabi muna kasi alam ko na yung sasabihin niya. Sinabi ko na lang sa kanya yun after namin na-shoot yung movie [X-Deal 2].
“Hindi naman siya nagalit. Alam naman niyang matanda na ako. I know what I’m doing with my career.
"And sinabi ko naman sa kanya na it’s something I’m really open to do, willing to try, kasi nga gusto kong ma-experience yung lahat ng pagiging artista.
"So, for me to do that, kailangan ko ma-experience," kuwento ni Josef.
Hindi madali para kay Josef ang image reinvention pero nagustuhan niya umano ang kanyang ginawa.
Saad niya, “I was hesitant at first, kinakabahan ako.
"Puro pa-cute lang ako dati, patawa, so it’s a new environment for me. It’s a different style of acting also.
“Kung magagawa ko ba? Kung kaya ko ba? So far, nag-e-enjoy naman ako. Challenging and fun at the same time.”