PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Newcomer Juami Gutierrez, palaban sa daring scene sa Kaliwaan

Juami Gutierrez: "Sure ako na matutuwa sila sa makikita nila.”
by Jojo Gabinete
Published Apr 29, 2022
juami gutierrez frontal nudity
Juami Gutierrez on daring scene with AJ Raval in Kaliwaan: “Ginagawa yan sa Hollywood films at alam ko na, at the end of the day, cinema pa rin ‘yan kaya pumayag ako at hindi naman ako mahiyain na tao. I am prepared to give my 101 percent for my work as an actor and I expect more sexy roles and more daring projects.”
PHOTO/S: Vivamax / Instagram

Nagsimula ang streaming sa Vivamax ng Kaliwaan ngayong Biyernes, April 29, 2022.

Ang Kaliwaan ay ang sexy-thriller movie na mula sa direksiyon ni Daniel Palacio at pinagbibidahan nina AJ Raval, Vince Rillon, at Mark Anthony Fernandez.

Kasama sa cast ng Kaliwaan si Juami Gutierrez, ang 21-year old nephew ng aktres na si Bernadette Allyson.

May wholesome image si Juami at napanood sa isang youth-oriented program, pero gumawa siya ng mga maseselang eksena sa Kaliwaan.

Hindi basta simpleng paghuhubad ang ginawa ni Juami sa Kaliwaan dahil pumayag siyang ibuyangyang ang pinakapribadong bahagi ng kanyang katawan sa sex scene nila ni AJ.

Ayon kay Juami, katuparan ito ng pangarap niyang maging versatile actor.

“Actually, matagal ko nang gusto yung mga ganyang role. Basta ako, trabaho lang.

"Napag-usapan na po namin ni Boss Vic [del Rosario] ‘yan kaya nung dumating yung project sa akin, super excited ako na tanggapin. Hindi ako nagdalawang-isip.

“I hope Kaliwaan will be a stepping stone for me to gain more projects sa Vivamax,” pahayag ni Juami sa Cabinet Files tungkol sa kanyang desisyong makipagsabayan sa paghuhubad sa mga sexy female star ng Viva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang reaksiyon ng pamilya mo sa mga eksena mo sa Kaliwaan? Hiningi mo ba ang payo nila bago mo tinanggap ang project?

Sagot ni Juami, “Hindi po, e. I am of legal age and my parents gave me the green light na magdesisyon para sa sarili ko.

“Ginagawa ‘yan sa Hollywood films at alam ko na, at the end of the day, cinema pa rin ‘yan kaya pumayag ako at hindi naman ako mahiyain na tao.

“I am prepared to give my 101 percent for my work as an actor and I expect more sexy roles and more daring projects.”

Isa si Juami sa mga bida ng sexy Vivamax original series na High on Sex at abala siya ngayon sa taping ng bagong project kaya hindi pa niya napapanood ang Kaliwaan.

Pero tiniyak ng newcomer actor na matutuwa ang viewers sa kanyang mga “ipinakita.”

Ani Juami, “Sa totoo lang, hindi ko pa napapanood ang Kaliwaan dahil may taping ako ngayon at naka-focus ako sa next project ko, pero sure ako na matutuwa sila sa makikita nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juami Gutierrez on daring scene with AJ Raval in Kaliwaan: “Ginagawa yan sa Hollywood films at alam ko na, at the end of the day, cinema pa rin ‘yan kaya pumayag ako at hindi naman ako mahiyain na tao. I am prepared to give my 101 percent for my work as an actor and I expect more sexy roles and more daring projects.”
PHOTO/S: Vivamax / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results