Buboy Villar, pinaghandaan ang topless scenes sa False Positive

by Jojo Gabinete
May 2, 2022
buboy villar as malakas
Buboy Villar on going topless for his role as Malakas in False Positive: "Bilang isang komedyante, gusto ko ring patunayan na hindi lang sila mga matinik na may abs, gaya ni Jak Roberto, ang kayang gumawa nang ganoon. Siyempre, kaya ko rin yun."
PHOTO/S: GMA Network

Nagsimula ang airing ng Kapuso primetime romance-drama-comedy series na False Positive ngayong Lunes ng gabi, May 2, 2022.

Pinagbibidahan nina Glaiza de Castro at Xian Lim, may live streaming din ito sa YouTube hanggang May 6.

Nag-trending sa Twitter Philippines ang "Glaiza Primetime Comeback" at sinuportahan din ng fans ni Xian ang unang primetime program nito sa Kapuso Network.

Bago nag-umpisa ang live streaming ng False Positive sa YouTube, nagkaroon ng live chat session sa fans si Buboy Villar, ang gumanap na Malakas sa bagong show ng GMA-7.

Puring-puri ni Buboy si Xian dahil napakagaan umano nitong katrabaho at professional ang leading man ni Glaiza sa kanilang teleserye.

“Sobrang professional ni Xian. Hindi siya yung parang nahihiyang magsabi, magkuwento kung ano yung mga gusto niyang gawin sa likod ng kamera.

“Kunwari, may gagawin akong ganito, puwede ba akong tumambling, mag-rolling…Hindi siya nahihiyang magsabi.

“Naka-catch up ko agad siya bilang komedyante rin. Hindi ako nahirapang intindihin yung ginagawa niya as an actor. Talagang sobrang gaan lang,” sabi ni Buboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman nakatiis si Buboy na purihin ang sarili dahil sa mga topless scene na pinaghandaan niya para sa kanyang karakter na Malakas.

“Feeling ko lang, parang fit sa akin [ang role]. Feeling ko, nung sinabi nila sa akin, 'Huwag mo nang basahin yung script, as in ikaw lang, ganoon.'

“Nung sinabi sa akin itong False Positive, sinabi kung ano ang role ko, ako si Malakas, history ito, e.

“Natuwa ako na parang, 'Ha? Ako talaga ang gaganap?' Nung nakita ko yung script, binasa ko, sabi ko, okay.

“That time, nagpataba ako. Ganoon kasi ang gusto kong role. Talagang tinatrabaho ko, kinakarakter ko talaga. Kung ano yung puwede kong ma-apply sa karakter as Malakas."

Patuloy ni Buboy, “Bilang isang komedyante, gusto ko ring patunayan na hindi lang sila mga matinik na may abs, gaya ni Jak Roberto, ang kayang gumawa nang ganoon. Siyempre, kaya ko rin yun.

“Basta masipag at dedicated ka sa trabahong gusto mo. Passion ko ang pag-arte pero iba pa rin yung hahaluan mo ng instrument at rekados, kumbaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, sinabi ko it’s time na mag-gym na ako. Active naman ako sa basketball, boxing, so kinarir ko talaga."

Kuwento pa ng Kapuso comedian, “Ito pa ang malupit, kahit nagte-taping kami sa False Positive, nagwo-workout kami, kasi magkapareho kami ni Luis Hontiveros ng villa. Parehas kaming dalawa na nagwo-workout.

“Topless kami. Hindi naman ako na-shock kasi sabi naman ni Luis sa akin, ‘Ang ganda ng body mo rin, ha? Talagang pinaghandaan mo.’

“Ang sabi ko, 'Oo naman!'” walang kanerbiyos-nerbiyos na sabi ni Buboy.

Pero tumanggi si Buboy na hubarin ang suot na T-shirt para sa viewers ng live streaming dahil sa takot na baka i-ban siya ng YouTube.

“Hindi puwede! Bawal! Baka ma-ban tayo ng YouTube. Huwag na muna!

"Abangan na lang nila ang False Positive!” "confidently handsome" na sabi ni Buboy.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buboy Villar on going topless for his role as Malakas in False Positive: "Bilang isang komedyante, gusto ko ring patunayan na hindi lang sila mga matinik na may abs, gaya ni Jak Roberto, ang kayang gumawa nang ganoon. Siyempre, kaya ko rin yun."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results