PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame surprise guest ng UniTeam

"Mahirap lokohin ang sarili ko at sayang ang boto niyo para sa akin."
by Jojo Gabinete
Published May 7, 2022
Willie Revillame at UniTeam miting de avance
Heto ang bahagi ng mensahe ni Willie Revillame sa miting de avance ng UniTeam: "Hindi ko kayang maging senador. Kung ano lang ang kakayanan ko, yun lang ang gagawin ko. Mahirap lokohin ang sarili ko at sayang ang boto niyo para sa akin."
PHOTO/S: Screen Grab from livestream on Facebook

Mainit ang naging pagsalubong ng mga tao nang umakyat si Willie Revillame sa entablado ng huling miting de avance ng UniTeam nina presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte.

Kasalukuyan itong nagaganap ngayong Sabado ng gabi, May 7, 2022, sa tabi ng Solaire Resort & Casino Manila sa Parañaque City.

Si Willie ang tinutukoy na surprise guest.

Matapos kantahin ang kanyang mga hit songs, sinabi ng Wowowin host na walang presyo ang pagdalo niya sa nabanggit na pagtitipon.

"Nandito ako para sa inyo. Ako, walang halagang presyo ito. Pinag-isipan ko itong mabuti. Ayokong ma-involve sa pulitika,” ang bungad na pananalita ni Willie.

Saka niya binalikang-tanaw ang naging pag-uusap nila ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagtakbo sana niya sa senado.

"Kinausap ako ng mahal na Pangulo, tumakbo kang senador. Madaling-araw tinatawagan ako, kinakausap ako, 'Tumakbo ka. Tulungan mo ang mga mahihirap dahil tumutulong ka,'" ang kuwento ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tumanggi si Willie sa pagkakataong inialok sa kanya, at inanunsiyo niya ito noong October 2021.

READ: Willie Revillame announces he will not run for senator in 2022 elections

Sa pagpapatuloy ng host, “Nandito ako para lang i-share sa inyo, hindi ako puwedeng maging senador. Hindi ko kayang maging senador. Kung ano lang ang kakayanan ko, yun lang ang gagawin ko.

"Mahirap lokohin ang sarili ko at sayang ang boto niyo para sa akin.

"Kaya kong magsilbi na wala akong posisyon. Kaya kong tumulong [mula] sa sarili kong pinaghihirapan. Iyan ang kaligayahan ko, ang makita kayo na masaya."

Sa dami ng taong nakasalamuha niya dahil sa kanyang mga shows, alam raw niya ang daing ng mga kababayang kapus-palad.

"Ang hirap ng buhay ng mahirap. Araw-araw for 18 years, nag-noontime show ako, from ABS, TV5 at GMA.

"Ano ang laging daing ng mahirap? Gamot, pagkain, kinabukasan ng mga anak nila. Yun ang araw-araw na naririnig ko. Yun ang dapat ninyong mararamdaman. Yun ang dapat nalalaman ng ating mga pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ano ba? Hindi lang sa eleksyon. Dapat totoo yung pagsisilbi beinte kuwatro oras. Walang holiday!

"Nagkaroon ng bagyo sa Catanduanes, tumakbo ako. Nagkaroon ng bagyo sa Surigao, pumunta ako.

"Walang pagkain, walang pera ang jeepney drivers, gumawa ako ng paraan. Marami pa. Hindi lang iyan. Hindi ko iniaangat ang sarili ko,” ang sabi pa ni Willie.

READ: Willie Revillame gives P9M cash aid to 9 towns in Siargao Island

May pakiusap sa lahat ng mga kumakandidato si Willie:

“Sa mga kasama ko dito, sana makasama ko sila. Silang mga nakaupo, ako’y magiging tulay ng mga mahihirap.

"Magiging boses, magiging tagabulong sa kanila sa inyong mga pangangailangan. Kayo, kayo, kayo ang importante sa buhay.

"Ano ba ang ibig sabihin ng buhay? Dapat nakangiti kayo,” ang bahagi ng pahayag ni Willie sa mga dumalo sa miting de avance ng UniTeam.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heto ang bahagi ng mensahe ni Willie Revillame sa miting de avance ng UniTeam: "Hindi ko kayang maging senador. Kung ano lang ang kakayanan ko, yun lang ang gagawin ko. Mahirap lokohin ang sarili ko at sayang ang boto niyo para sa akin."
PHOTO/S: Screen Grab from livestream on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results