PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Raymond Bagatsing, Rommel Padilla, Long Mejia fail election bid

Direk Bobet Vidanes, wagi sa Pililla, Rizal.
by Jojo Gabinete
Published May 10, 2022
raymond bagatsing rommel padilla long mejia 2022 elections
Bigo sa kanilang election bid ang mga aktor na sina Raymond Bagatsing (vice mayor ng Maynila), Rommel Padilla (congressman sa unang distrito ng Nueva Ecija), at Long Mejia (board member ng Bulacan).
PHOTO/S: Instagram

Ito ang karagdagang ulat tungkol sa mga personalidad na kilala o may kaugnayan sa mga showbiz personality na nagwagi at hindi pinalad manalo sa halalang ginanap kahapon, May 9, 2022.

Read: Robin Padilla, Richard Gomez, Arjo Atayde, other celebs triumph in 2022 elections

Panalo bilang konsehal ng lone district ng Pililla, Rizal si Bobet Vidanes, ang former director ng It’s Showtime at creative producer ngayon ng Lunch Out Loud ng TV5.

Waging konsehal ng lone district ng Los Baños, Laguna si Leren Bautista, ang Bb. Pilipinas-Globe titleholder noong 2019.

Talo naman ang actress at Binibining Pilipinas 2012 second runner-up na si Ali Forbes at ang dating broadcaster na si Rikki Mathay na parehong kumandidatong konsehal ng 6th District ng Quezon City.

Bigo rin ang former broadcaster na si Gani Oro sa pangarap nitong makapaglingkod bilang konsehal ng 5th District ng Quezon City.

Sa Maynila, malaki ang posibilidad na muling manalong konsehal ng 5th District ang asawa ni Robert Ortega na si Charry. Pero bigo si Raymond Bagatsing na talunin si Yul Suervo sa vice mayoralty race ng nasabing siyudad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pinalad mahalal ang comedian na si Long Mejia na kumandidatong provincial board member ng unang distrito ng Bulacan, pati na ang character actor na si Dan Alvaro na tumakbo bilang board member ng 5th District ng nabanggit na lalawigan.

Magpapatuloy ang career ni Rovie "Mariposa" Cabigquez bilang dancer dahil hindi siya nakalusot sa kanyang councilor bid sa lone district ng Meycauyan, Bulacan.

Kung nangunguna sa senatorial race si Robin Padilla, pangalawa lamang ang kanyang kapatid na si Rommel Padilla sa congressional race sa unang distrito ng lalawigan ng Nueva Ecija.

Pangatlo naman sa mga party-list ang Tingog na ikinampanya ni Karla Estrada, ang third nominee ng party list na bumoto noong July 2020 para bawian ng franchise ang ABS-CBN.

Si Daniel Padilla ang bunga ng pagmamahalan nina Rommel at Karla.

Hindi lamang si James Yap ang PBA player na nahalal na konsehal sa San Juan City dahil elected councilor naman sa second district ng Cebu City ang ex-PBA player na si Dondon Hontiveros.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pansamantalang mahihinto ang pagiging public servant ng former actress na si Precious Hipolito-Castelo dahil tinalo ito ni Ralph Tulfo sa congressional race sa second district ng Quezon City.

Si Ralph ang anak ng feisty broadcaster na si Raffy Tulfo na kumandidato bilang senador at sigurado na ang panalo.

Nagwaging congressman ng 5th District ng Quezon City si PM Vargas, ang nakababatang kapatid ni Alfred Vargas.

Makakatulog na nang mahimbing si Alfred na muling tumakbo at nanalong konsehal sa kanilang distrito dahil mas ipinangampanya niya ang kandidatura ni PM na humarap sa mabigat na laban.

Sa Tacloban City, nangunguna pa rin sa mayoralty race ang estranged husband ni Cristina Gonzales na si Alfred Romualdez.

Running-mate ni Alfred ang anak nitong si Raymund pero pumapangalawa lamang ito sa nilahukang vice mayoralty race. Nakilala noon si Raymund bilang ex-boyfriend ng aktres na si Gwen Zamora.

Malaki ang tsansang manalo si Ronald Singson bilang congressman ng unang distrito ng Ilocos Sur dahil pumapangalawa lamang sa kanya si DV Savellano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Ronald ang ex-boyfriend ni Lovi Poe at si DV ang asawa ni Dina Bonnevie.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bigo sa kanilang election bid ang mga aktor na sina Raymond Bagatsing (vice mayor ng Maynila), Rommel Padilla (congressman sa unang distrito ng Nueva Ecija), at Long Mejia (board member ng Bulacan).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results