PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiko Pangilinan: "Hindi pa tapos ang laban."

Kiko Pangilinan: "Magwawagi rin ang katotohanan. Magwawagi rin tayo."
by Jojo Gabinete
Published May 10, 2022
kiko pangilinan 2022 election
Kiko Pangilinan: “Magwawagi rin ang katotohanan. Magwawagi rin tayo. Aani rin tayo. Hindi natutulog ang Diyos. Manalig tayo na sa huli, pagmamahal ang magtatagumpay.”
PHOTO/S: Kiko Pangilinan Facebook

Kung buong puso nang tinanggap ni Senate President Tito Sotto ang pagkatalo nito sa vice presidential race sa pambansang halalan na idinaos kahapon, May 9, 2022, hindi pa tapos ang laban para kay Senator Kiko Pangilinan dahil hindi pa tapos ang bilangan.

Read: Tito Sotto, tanggap ang pagkatalo; Ping Lacson, magreretiro na sa pulitika

Si Pangilinan ay asawa ni Sharon Cuneta, pamangkin ni Helen Gamboa na asawa naman ni Sotto.

Gaya ni Sotto, naglabas ng opisyal na pahayag si Pangilinan tungkol sa naganap na eleksyon para sa pagka-bise presidente na pinangungunahan ng apparent vice president na si Sara Duterte.

Pahayag ni Pangilinan, “Nakikiisa tayo sa pahayag ni Vice President Leni.

"Hindi pa tapos ang bilangan. Sa ilang mga presinto, hindi pa tapos ang botohan.

"May mga tanong tungkol sa proseso na hindi pa nasasagot. Hindi pa tapos ang ating gawain.

“Bukas, paggising natin at sa susunod na mga umaga, mahirap pa rin ang ating mga magsasaka at mangingisda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi pa rin makakapangisda sa sarili nating karagatan ang ating mga mandaragat. Ipagtatabuyan pa rin ng China.

“Hindi pa rin maibabalik ang ninakaw ng Pharmally. Patuloy pa rin ang smuggling ng gulay. Mataas pa rin ang presyo ng pagkain. Marami pa rin ang gutom."

Diin ni Pangilinan: “Hindi pa tapos ang laban.

“At dala nating sandata sa laban bukas: ang walang katulad na ginising nating kilusan.

“Ang kilusan ng bolunterismo, ng bayanihan, ng pakikipagkapwa, ipagpatuloy natin.

“Ipagpatuloy natin ang mga naumpisahan para iangat ang buhay at kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda, at ng lahat ng nasa laylayan — kahanay man o hindi.

“Ngayon at sa mga susunod na bukas, mas kakailanganin natin ang ginising nating radikal na pagmamahal para sa kapwa Pilipino.

“Malaki at masayang apoy ng pagmamahal ang pag-uumpisahan natin.

“Sa lahat ng bahagi ng Pilipinas, nakapagtanim tayo ng malulusog na binhi ng pag-asa.

“Kailangan nating alagaan. Tuloy nating ipaglaban ang mahal natin. Samahan ninyo ako. Samahan ninyo kami ni VP Leni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magwawagi rin ang katotohanan. Magwawagi rin tayo. Aani rin tayo. Hindi natutulog ang Diyos. Manalig tayo na sa huli, pagmamahal ang magtatagumpay.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiko Pangilinan: “Magwawagi rin ang katotohanan. Magwawagi rin tayo. Aani rin tayo. Hindi natutulog ang Diyos. Manalig tayo na sa huli, pagmamahal ang magtatagumpay.”
PHOTO/S: Kiko Pangilinan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results