Aminado ang singer-actor na si Janno Gibbs na matatapang ang kanyang mga social media post sa panahon ng kampanya at sa halalan na naganap noong Lunes, May 9, 2022.
Loyal supporter siya ng kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.
Tungkol sa bitterness ang recent Instagram post ni Janno:

Ngayong Miyerkules ng hapon, May 11, sinabi ni Janno sa Cabibet Files na nabawasan ng apat na libo ang bilang ng kanyang Instagram followers dahil sa matatapang niyang political views.
Pero wala raw siyang pinagsisisihan.
“Yes! Four thousand [followers] in one night. Masyado kasi matapang ang mga post ko about my political views.
“It’s sad but I don’t regret my posts. They are written in good taste and I will never compromise my sentiments over approval, especially for our country,” deklarasyon ni Janno.
Malinaw na biktima ng cancel culture si Janno kaya tinanong namin ang mga natutunan niya sa nangyari.
Sagot niya, “People like artistas as artistas, not political influences. Pero kaya nga tayo may social media, to express our true selves.”
Desidido raw ang singer-actor na ituloy ang kanyang pagpapakatotoo sa mga isyung may kinalaman sa kalagayan at kinabukasan ng Pilipinas.