Nakaburol sa Solace 1 and 2 ng Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City, ang mga labi ng popular make-up artist at aktor na si Felix Fausto Jr., na mas kilala bilang Fanny Serrano or TF sa entertainment at fashion industry.
Nagkaroon ng massive stroke si Fanny noong March 2021 at mula noon, hindi na siya nagpakita sa publiko.
Ang karamdaman niya ang sanhi ng pagpanaw ni Fanny noong May 10, 2022.
Nakatakda ang cremation sa kanyang mga labi sa Linggo, May 15, 10 a.m.
Read: Fanny Serrano, actor and make-up artist, dies at 74
Bumuhos ang pakikiramay para sa mga naulila ni Fanny at nagluksa ang kanyang mga malalapit na kaibigan gaya nina Lorna Tolentino, Amy Austria, at Gina Alajar.
Bilang pagbibigay-pugay kay Fanny, ang larawan nilang magkasama ang ginamit ni Amy na profile picture sa kanyang Facebook page.

Sinabi naman ni Gina na mami-miss nito si Fanny, pero alam niyang higit na masaya ngayon ang kanyang kaibigan sa piling ng Panginoong Diyos.
Mensahe ng actress-director: “I want to remember you this way TF… malakas, makuwento, masaya, punong puno ng buhay… you have lived a good life.
“At ngayon mas lubos ang kaligayahan mo sa piling ng mahal na mahal mong Panginoon at Taga-pagligtas, si Jesus Christ. Ito ang ultimate mong pangarap ang makasama na Siya.
“Sigurado ako na ang saya-saya sa langit ngayon, there is dancing and singing to welcome you, God’s faithful servant.
“Wala ka nang sakit, magaling ka na, nakakalakad ka na uli at di mapigilan praising and worshipping God.
“No more tears, no more pain at nakatira ka na sa mansyon ng ating Panginoon. Mami-miss ka namin dito pero alam ko mas masaya ka sa langit ngayon.
“As for us, we will wait for the time when we can be together again eternally. I love you. My family loves you TF.”

DULCE'S POST
Sa mga itinuturing na kaibigan ni Fanny, tanging ang singer na si Dulce ang nag-post sa social media page nito ng video habang kinakantahan niya si Fanny ng worship song.
Caption ng singer dito: “Thank You Father God for my beloved friend, kapatid Fanny Serrano. I love you TF. No more pain, no more suffering. Rejoice now in paradise.”
Tila naging insensitive si Dulce dahil sa matagal na panahong pagkakasakit ni Fanny, hindi naglabas ng mga litrato o video ang pamilya ng pumanaw na showbiz personality bilang respeto sa privacy nito.
Sa pagkakaalam namin, gusto ng mga naulila ni Fanny na maalaala ito ng mga tao noong nabubuhay pa siyang malusog ang pangangatawan at masaya.
Sadly, ang mga screenshot mula sa video na inilabas ni Dulce ang walang pahintulot na pinagpasa-pasahan at ginagamit ngayon ng mga vlogger sa kanilang mga YouTube channel sa pagbabalita nila tungkol sa pagpanaw ni Fanny.