PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Sison inaming nagtinda ng barbecue noong kasagsagan ng pandemya

Marco Sison: "Yung retirement? Only death can retire me as a singer."
by Jojo Gabinete
Published May 18, 2022
marco sison retirement
Marco Sison: "Noong estudyante ako, nag-apply ako na maging waiter, doorman… lahat hindi ako natanggap. Pero isang sali ko lang sa Student Canteen, nag-champion agad ako. Doon talaga ako dinadala. So, sabi ko, since nandito ako, gagalingan ko na lang."

Isiniwalat ng veteran singer na si Marco Sison na nagtinda siya ng barbecue sa bayan nila sa Biñan, Laguna noong kasagsagan ng coronavirus pandemic.

“Taga-Laguna po ako, e. Alam niyo sa probinsiya, may record yung number of positive cases pero ang galawan, wala. Hindi ganoon ka-intense kumbaga.

“At naisip ko, sa totoo lang, matagal ko nang gustong gawin ito. So, naisip ko na mag-barbecue. Nagtinda ako ng barbecue during pandemic," rebelasyon ni Marco sa media conference ng concert na Four Kings and A Queen na naganap sa isang restaurant sa Quezon City nitong Miyerkules ng hapon, May 18, 2022.

Dagdag niya, “Ang daming nag-sponsor sa akin, yung mga producer sa Amerika, nag-sponsor para mamigay sa frontliners.

"Natuto akong mag-cut ng baboy, magtusok ng baboy, nag-enjoy ako actually."

M.S. Barbeque ang ipinangalan ni Marco sa kanyang negosyo na isinara rin niya dahil nahirapan siya.

“Wala na ngayon yun. Isinarado ko na kasi po napakahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman sa nalugi kaya lang mahirap pala. Ikaw yung nagka-cut, ikaw yung nag-iihaw… ang sakit pala sa kamay nun.

"Pero marami akong nakilalang mga kababayan ko, mga kabarangay ko, mga kaedad namin, mga millennial. So, nag-enjoy po ako noong pandemic.

“At the same time, I took care of myself, lalo na yung mga anak ko na kasama ko.”

DESTINED TO BE A SINGER

Naniniwala si Marco na talagang kapalaran nitong maging isang mang-aawit dahil hindi siya natanggap nang subukan niya noong mamasukan bilang waiter at doorman.

“Katulad ko, hindi ako nagkaroon ng experience na magtrabaho sa opisina. Noong estudyante ako, nag-apply ako na maging waiter, doorman… lahat hindi ako natanggap.

"Pero isang sali ko lang sa Student Canteen, nag-champion agad ako. Doon talaga ako dinadala.

"So, sabi ko, since nandito ako, gagalingan ko na lang. Siyempre, you take care of yourself, your voice.

"Kasi ako, kapag nanonood ng isang banda o isang singer, gusto ko yung nakikita ko sa singer na ‘yon, maganda, ma-lalake man ‘yan o babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko maganda yung nakikita ko onstage. Kung ano yung gusto ko, dapat ganoon din ako.

"At saka yung retirement? Only death can retire me as a singer," may conviction o pananalig na pahayag ni Marco.

Sina Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga, Rey Valera, at Pops Fernandez ang mga makakasama ni Marco sa Four Kings and A Queen, ang concert tour nila sa walong states ng Amerika na magsisimula sa June 25 at matatapos sa July 2022.

Ang Amore Entertainment ng U.S.-based Filipina businesswoman na si Pia Amore Legaspi ang producer ng Four Kings and A Queen.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Sison: "Noong estudyante ako, nag-apply ako na maging waiter, doorman… lahat hindi ako natanggap. Pero isang sali ko lang sa Student Canteen, nag-champion agad ako. Doon talaga ako dinadala. So, sabi ko, since nandito ako, gagalingan ko na lang."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results