Watch Now

Raffy Tulfo, gustong gawing National Day of Mourning ang libing ni Susan Roces

by Jojo Gabinete
May 21, 2022
susan roces wake
Senator Raffy Tulfo, planong ideklara ang May 25 bilang National Day of Mourning bilang parangal sa yumaong Queen of Philippines Movies na si Susan Roces. Balak din ni ACT-CIS party-list Representative Jocelyn Tulfo na i-nominate ang yumaong aktres para sa posthumous National Artist award.
PHOTO/S: File

Hinihiling ni Senator-elect Raffy Tulfo kay President Rodrigo Duterte na ideklarang Pambansang Araw ng Pagluluksa ang araw ng libing sa May 25, 2022 ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

Read: Queen of Philippine Movies Susan Roces dies

Irerekomenda naman ng asawa ni Raffy na si ACT-CIS party-list Representative Jocelyn Tulfo na magkaroon ng nominasyon para sa posthumous National Artist ang 80-yea-old actress na malaki ang naging kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino tulad ng kabiyak niyang si Fernando Poe Jr.

Si FPJ ang kinikilalang King of Philippine Movies.

Noong May 24, 2006, ginawaran siya ng posthumous National Artist Award for Cinema na tinanggap lamang ng kanyang pamilya noong May 2012.

Ito ang opisyal na pahayag ni Raffy tungkol sa kahilingan niyang ideklarang National Mourning Day ang araw ng paghahatid kay Susan sa huling hantungan nito at ang pakikiramay nila ng kanyang pamilya sa mga naulila ng aktres na namayapa kahapon, May 20, 2022:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Jocelyn, Ralph, my entire family, and I express to Senator Grace Poe our sincerest condolences on the passing of her mother, Susan Roces, beloved by all Filipinos.

“Few celebrity icons are as loved as Ms. Susan Roces. Hindi mawawaglit sa alaala naming mga taga-hanga niya ang kanyang di mabilang na mga pelikula, programang pang-telebisyon, at patalastas.

“We ask President Rodrigo Roa Duterte to declare a national day of mourning on the day of her burial.

“Rep. Jocelyn Tulfo will file a House Resolution next week extolling Ms. Susan Roces' legacy and recommending her nomination for posthumous National Artist honors. Again, our sympathies to all who loved and adored Ms. Susan Roces."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Raffy Tulfo, planong ideklara ang May 25 bilang National Day of Mourning bilang parangal sa yumaong Queen of Philippines Movies na si Susan Roces. Balak din ni ACT-CIS party-list Representative Jocelyn Tulfo na i-nominate ang yumaong aktres para sa posthumous National Artist award.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results