Si Arron Villaflor ang boluntaryong nagkuwento na nawala siya sa cast ng Ang Probinsyano ng ABS-CBN at hindi niya alam ang dahilan.
Nangyari ang paglalahad ni Arron sa story conference ng ‘Wag Mong Agawin ang Akin kahapon, May 24, 2022.
Ang ‘Wag Mong Agawin ang Akin ang unang original series project ni Arron para sa Vivamax.
Ayon sa aktor, ang Ang Probinsyano ang huling teleseryeng ginawa niya, dalawang taon na ang nakalilipas.
“Hindi ko nga alam kung bakit ako nawala sa Ang Probinsyano. That was my last series sa ABS-CBN so I waited for two years.
“Dalawang taon na rin po akong hindi nakakabalik sa series kaya I’m glad and thankful, may panibagong blessing.
“Nagpapasalamat ako sa family ng Vivamax for acknowledging me and, somehow, putting me on their project.
"I’m excited but a little bit nervous. Gagawin natin kung ano yung hinihingi ng project.”
Nang itanong ng Cabinet Files ang dahilan ng kanyang pagkawala sa Ang Probinsyano, inulit ni Arron ang sagot nito na hindi niya alam.
Saad niya, “Hindi ko rin alam, e. Hindi ko rin alam kung bakit nawala kami.
"Hindi naman ako humihingi ng reason, pero nagulat lang kami kung bakit kami nawala.
“I am being honest with you everyone. I love my job, mahal ko yung trabaho ko since I started 2004 and, until now, I’m still here.
“Siguro may mga bagay talaga na natatapos din. I guess, I’m very thankful din kasi we’ve been part of that program for a year..."
Sumingit ang co-star ni Arron sa ‘Wag Mong Agawin ang Akin na si Josef Elizalde para ipaalala sa 31-year old actor na halos tatlong taon silang napanood sa Ang Probinsyano.
Patuloy ni Arron, “Ah, magti-three years, so happy na rin kami. But then again, sabi nga ng iba, if there’s an opportunity, why not?
"So there’s an opportunity dito sa Viva, bakit hindi? It’s work and again.
“Natutuwa ako dahil after two years, naibigay po sa akin itong 'Wag Mong Agawin ang Akin at very glad din na halos lahat kilala ko, nakatrabaho ko na rin po.
"Excited, and if this will be a door for me, I’m not gonna hesitate to accept it."
Iginiit ni Arron na passionate siya pagdating sa trabaho at sa mga nakakasama niya sa lahat ng kanyang mga proyekto.
Magiging mapangahas na rin ba siya sa paghuhubad sa bagong original series ng Vivamax?
“Wait for it na lang po. Can I say na I will surprise you?” natawang sagot ni Arron.