Dalawang beses humarap sa entertainment press si Sid Lucero ngayong Biyernes, May 27, 2022.
Halos magkasunod ang digital media conference ng kanyang mga bagong assignment—ang drama series na The Fake Life, na mapapanood sa GMA-7 simula sa June 6, at ang Virgin Forest, ang Vivamax movie na mag-uumpisa ang streaming sa June 24.
Natuwa si Sid nang malaman niyang pinalakpakan ng manonood ang trailer ng Virgin Forest nang ipakita ito sa private screening ng Pusoy sa Gateway Cineplex noong Miyerkules, May 25.
Kasama sa mapangahas na trailer ng Virgin Forest ang orgy scene ni Sid at ng anim na babae sa isang waterfalls, na halos katulad ng sex scene na ginawa ng kanyang pumanaw na ama na si Mark Gil sa 1985 sexy movie na Company of Women.
Kinunan din sa waterfalls ang eksena ni Mark pero dalawa lamang ang babaeng kasama niya.

Apat na taon ang edad ni Sid nang gawin ng tatay niya ang Company of Women kaya wala siyang alam tungkol sa mga nakaraang proyekto ni Mark.
Ayon kay Sid, “Honestly, ang hirap panoorin ng mga pelikula ni Dad. I don’t know where to watch them, and I think a lot of the sexier films, I don’t think we really talk about them.”
Ang orgy scene sa waterfalls ang isa sa mga pinakamahirap na ginawa ni Sid, at ito ang ikinuwento niya sa Zoom mediacon ng Virgin Forest.
“Honestly, it hurts. That’s the first thing you will realize, it’s painful.
"There’s nowhere to rest any part of your body. At the same time, there is something that the director wants to capture.
"The falls is so noisy, you don’t understand what’s happening because you can’t hear the direction.
“All of us, like three people, standing on a tiny rock because if you don’t stand there…it was not easy.
“As an actor naman, the only thing that was going on my head was that we’re all in this together. We’re all naked and whatever, respetuhan na lang,” kuwento ni Sid tungkol sa mapangahas na orgy scene nila ng kanyang mga female co-star sa Virgin Forest.