Kylie Padilla, inaming "dating" ngayon pero di sinabi kung sino ang idini-date

by Jojo Gabinete
May 29, 2022
kylie padilla pep live
Inamin ni Kylie Padilla sa isang interview na "dating" ang status niya ngayon pero hindi sinabi ng Kapuso actress kung sino ang kanyang idini-date.
PHOTO/S: PEP Live YouTube

Inamin ni Kylie Padilla na "dating" siya pero hindi niya sinabi ang pangalan ng lalakeng kanyang nakakasama sa paglabas sa interbyu sa kanya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras.

Bolera ang pamagat ng primetime series ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Kylie at mapapanood simula bukas ng gabi, May 30, 2022.

Pero hindi kagaya ng titulo ng kanyang bagong primetime series, hindi bolera ang 29-year old actress na kilala sa pagsasabi ng katotohanan.

Noon pa man, honest at hindi uso kay Kylie ang off-the-record na salita kaya may mga pagkakataong tumatanggi siyang magpainterbyu.

Ang nasabing ugali ni Kylie ang dahilan kaya gustung-gusto siya ng entertainment press kaya pinaniniwalaan ng lahat na totoo ang mga sinabi niya sa kanyang live at unedited guesting sa PEP Live! noong Huwebes, May 26.

Hindi pa artista si Kylie nang makasama namin siya at ang kanyang kapatid na si Queenie sa taping ng Asian Treasures sa Thailand at Beijing, China noong March 2007.

Continue reading below ↓

Ang Asian Treasures ang action-drama primetime series nina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin, at Diana Zubiri sa GMA-7.

Fourteen years old pa lamang noon si Kylie at practicing Muslim kaya konserbatibo ang pananamit nila ni Queenie.

Nang pumunta kami sa Platinum Mall sa Bangkok, nakita namin ang pagyakap ni Kylie sa isang sexy dress na gustung-gusto nito pero hindi niya puwedeng bilhin at isuot dahil labag sa relihiyon nila.

Nahabag kami kay Kylie pero nakita namin ang kanyang determinasyon na magkaroon ng sariling identity kaya hindi nakapagtataka nang pumasok siya sa showbiz makalipas ang isang taon.

Ang Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak ang unang pelikula ni Kylie noong 2014 na pinagbidahan ni Robin.

Pero iilan ang nakakaalaalang dalawang taon pa lamang ang edad niya nang magkaroon siya ng cameo role sa P’re Hanggang Sa Huli, ang action-comedy movie ng kanyang ama at ni Andrew E. na ipinalabas sa mga sinehan noong 1995.

Continue reading below ↓

Kasama ng toddler na si Kylie sa cameo role nito sa P’re Hanggang Sa Huli ang kanyang nanay na si Leizel Sicangco, at ito ang panahong siya ang bunsong anak at buo pa ang kanilang pamilya.

kylie padilla toddler

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inamin ni Kylie Padilla sa isang interview na "dating" ang status niya ngayon pero hindi sinabi ng Kapuso actress kung sino ang kanyang idini-date.
PHOTO/S: PEP Live YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results