Ang rebelasyon ni Markki Stroem tungkol sa pagkakaroon niya ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) ang dahilan kaya higit na mauunawaan ng mga tao ang ugali niya.
Mahaba ang naging sagot ni Markki nang itanong ng Cabinet Files kung bilang aktor, paano niya ginagamit ang kanyang kundisyon para sa sariling kapakanan.
“My ADHD was such a detriment sa akin dati. Nahirapan talaga akong mag-memorize ng lines, mag-focus.
“Pero dahil love ko ang ginagawa ko, especially sa lahat ng mga ADHD people who were suffering, people in the spectrum who have the problem of lack of focus, it’s something that you can train on a regular basis.
“If some people will sit and memorize their lines like mabilisan lang, ako, if I get my script in advance every day, babasahin ko yun.
“Every day, hahanap ako ng lahat ng mga kailangan kong sabihin in a certain way kasi natatakot ako na baka makalimutan ko on set or baka may mangyari na iba,” pahayag ni Markki sa digital media conference ng Love at The End of the World ngayong Martes, May 31, 2022.
Ikinuwento ni Markki na nagkaroon siya ng trauma dahil sa kanyang personality disorder, pero may natuklasan siya sa sarili sa guesting niya kamakailan sa All-Out Sundays, ang Sunday musical-variety show ng GMA-7.
Lahad niya, “Na-trauma rin kasi ako dati, and after so many years of experience, it has become so much easier now to memorize things.
“I’ve only realized this recently when I did All-Out Sundays. I had to do musical on the spot so kailangan aralin yung mga song, yung steps, yung scenes in one day.
“Three episodes yun, and nung nagawa ko yun, sabi ko, 'Parang kaya ko ito. Parang kaya ko ito in the long run na gawin.'
“Kaya ko uling gumanap sa teleserye. Kaya kong bumalik sa movies. At the end of the day, ADHD became my super power.
“Sometimes you see ADHD as something that would be a detriment to you but if you look at some of your downfalls and some of your strengths, you can use it to your advantage.”
SHORT-LIVED RELATIONSHIPS
Malakas ang loob ni Markki sa paghuhubad sa mga pelikula at sa mga pictorial kaya naisip naming may kinalaman ang ADHD sa kanyang ipinamamalas na tapang.
Inamin naman ni Marrki na hindi nagtatagal ang mga relasyon nito dahil sa kundisyon niya nang alamin namin ang mga advantage at disadvantage sa kanya ng ADHD.
"Disadvantages of ADHD is mahirap mag-focus. Palagi akong naglalakad back and forth. Parang iniisip ng mga tao, bakit ko ginagawa yun?
“Nahihirapan din akong magkaroon ng long-term and long lasting inter-personal relationships, minsan if I get pushed against the wall.
“It’s part of the spectrum, the autism spectrum, and some I learned from watching a series recently.
“Trying to deal with people is harder for me. Medyo sumasabog ako na mas mabilis because sometimes, there’s so many things happening at ang daming tao sa paligid ko na nahihirapan akong mag-focus.
“And because of that, minsan, nag-i-snap ako. Nangyayari yun...
"And I salute Albie Casiño who spoke about this because he’s also suffering from ADHD."
Pagpapatuloy ni Markki, “Ang positive traits of having ADHD, obviously, is kaya kong gawin lahat from morning to evening!
“May energy ako the whole day! Kaya kong mag-morning show. Kaya kong maging entrepreneur, kaya kong maging theater actor, kaya kong maging kung anu-ano left and right.
"And I can do it to the best of my abilities kasi gustung-gusto ko yung ginagawa ko."
May payo si Markki para sa mga katulad niyang lihim na nagdurusa sa ADHD dahil sa kanyang kagustuhang makatulong sa mga taong naghahanap ng mga makakausap tungkol sa kanilang kundisyon.
Mensahe niya, “I salute every one who suffers in the shadows. You can talk, there are other people that you can talk to.
“If you’re suffering and you don’t know how to deal with certain things, message me on Instagram,” ani Markki.
Si Markki ay isa sa mga bida ng Love at The End of the World, ang nine-part Boys Love Series na nagsimula ang streaming sa VivaMax Plus noong May 18, 2022.