PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diego Loyzaga birthday video greeting from kiddie half-siblings

Cesar Montano, inilabas na ang mga anak niya sa partner na si Kath.
by Jojo Gabinete
Published May 31, 2022
diego loyzaga siblings
Diego Loyzaga gets a video birthday greeting from dad Cesar Montano and half-siblings Samuel, Liam, and Kristen.
PHOTO/S: @diegoloyzaga / @cesarbuboymontano on Instagram

Isang birthday song mula sa kanyang maliliit na kapatid na sina Samuel, Liam, at Kristen ang natanggap ni Diego Loyzaga nang ipagdiwang nito ang 27th birthday noong May 21, 2022.

Ang tatlong bata ay anak ni Cesar Montano sa partner nitong si Kath Angeles, at ang aktor ang gumawa ng video ng birthday song nila para kay Diego.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I love you Dad, Samuel, Liam and Kristen!” reaksiyon ni Diego sa surprise video greeting sa kanya ng mga nakababatang kapatid, na bibong-bibo kaya hindi nakapagtataka kung susundan ang mga yapak nila ni Cesar bilang artista, pagdating ng araw.

Ang 27th birthday ni Diego ang maituturing niya na isa sa mga pinakamasaya dahil magkasundo na sila ni Cesar.

Pitong taong hindi nag-usap ang mag-ama dahil sa kanilang hidwaan pero tinuldukan ito ni Diego noong March 2022.

“I apologize for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would,” bahagi ng paghingi noon ni Diego ng paumanhin sa kanyang ama.

Ang video ng birthday song para kay Diego na inilabas ni Cesar ang kumpirmasyong sampu na ang bilang ng kanyang mga anak—dalawa sa unang asawa niyang namayapa, isa kay Teresa Loyzaga, tatlo kay Sunshine Cruz, isa sa former beauty queen na si Sandra Seifert, at tatlo kay Kath.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagkakasundo nila ni Cesar ang isa sa mga magandang nangyari sa buhay ni Diego ngayong 2022.

Natawa naman si Diego sa sinabi ng isang veteran entertainment na siya na ang "Vivamax King" dahil sunod-sunod ang mga pelikula niya at may pinakamaraming proyekto sa male contract stars ng Viva Artists Agency.

Ang How To Love Mr. Heartless ang bagong pelikula ng Vivamax na pinagbibidahan ni Diego at mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

May trivia si Direk Jason tungkol sa 27-year old actor.

Aniya, “Si Diego, hindi ko pa nakakatrabaho ‘yan, pero trivia lang, nag-audition na ‘yan sa akin dati way back sa ABS-CBN, sa 100 Tula Para Kay Stella, nasa Star Cinema pa yung project.

“Dun pa lang, ang galing na niyang umarte. Talagang todo iyak siya and I’m aware of his competence as an actor,” ang kuwento ni Jason tungkol sa audition ni Diego para sa role na napasakamay ni JC Santos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natuloy noong 2017 ang pagsasapelikula sa 100 Tula Para Kay Stella na isang blockbuster movie, pero ang Viva Films ang producer at hindi na ang Star Cinema.

Ang gumanap sa role na in-audition ni Diego ay si JC Santos, katambal si Bela Padilla.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga gets a video birthday greeting from dad Cesar Montano and half-siblings Samuel, Liam, and Kristen.
PHOTO/S: @diegoloyzaga / @cesarbuboymontano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results