Watch Now

Karen Davila, kalmado lang sa biro ni Sen. Imee Marcos tungkol sa pagma-migrate pag nanalo ang mga Marcos

by Jojo Gabinete
Jun 1, 2022
karen davila senator imee marcos headstart
Pinagpipistahan ngayong ng netizens at bashers ang video clip ng batian ng broadcaster na si Karen Davila (kaliwa) at ni Senator Imee Marcos (kanan) sa umpisa ng interview ni Karen sa senador sa Headstart ngayong Miyerkules ng umaga, June 1.
PHOTO/S: Screen grab from ANC YouTube

Hindi malinaw kung nagbitaw ng salita noon ang broadcast journalist na si Karen Davila na lilipat siya sa ibang bansa kapag si Ferdinand Marcos Jr. ang mananalong bagong pangulo ng Pilipinas sa eleksyon noong May 9, 2022.

Pero muling naging biktima ng hate comments at tweets ang broadcast journalist at host ng Headstart ng ANC dahil sa panayam niya kay Senator Imee Marcos ngayong Miyerkules ng umaga, June 1.

Si Senator Imee ay nakatatandang kapatid ni President-elect Marcos Jr.

Maaliwalas ang mukha, masaya, at nakangiti si Karen nang ipakilala nito si Senator Imee bago nagsimula ang kanilang talakayan.

“Joining us this morning on Hot Copy, we have with us, this is gonna be a very colorful discussion. We have Senator Imee Marcos.

“Senator Marcos, good morning to you,” magiliw na bati at pagpupugay ni Karen sa senador.

Todo rin ang ngiti ni Senator Imee pero bakas ang sarcasm sa biro nito nang sagutin niya ang pagbati sa kanya ni Karen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Yes, good morning Karen. It’s nice to see you you’re still here in the Philippines.”

“Well, first of all, congratulations,” reaksyon ni Karen, na hindi nawala ang ngiti sa labi at ang composure nang marinig niya ang sinabi ng senadora.

Pagpapatuloy ni Senator Imee, na hindi nawala ang mga ngiti sa labi, “Akala ko magma-migrate ka pag nanalo ang Marcos.”

Sagot ni Karen, na tila hindi naapektuhan sa sinabi ng senadora, “Hoping always for the best for the country,”

Sabi naman ni Senator Imee, “Thank you very much. We need that UniTeam.”

Ang UniTeam ay ang pangalan ng tandem ni Marcos Jr. at ni Vice-President-elect Sara Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Edited na ang pinag-uusapang unang bahagi ng talagang naging makulay na panayam ni Karen kay Senator.

Sa YouTube channel ng ANC, ito na ang mapapanood na introduction ni Karen sa umpisa ng video ng kanilang pag-uusap: “Senator, first, congratulations. Congratulations to your brother, to UniTeam and to you as well.”

Pero marami ang nag-record sa kontrobersiyal na biro ng senadora sa Headstart host na pinagpipistahan at pinagpapasa-pasahan ngayon sa social media.

At gaya ng inaasahan, ito ngayon ang ginagamit ng mga tagasuporta ni President-elect Marcos Jr. upang i-bash at kutyain ang veteran broadcaster na ginagawa lamang kanyang trabaho.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinagpipistahan ngayong ng netizens at bashers ang video clip ng batian ng broadcaster na si Karen Davila (kaliwa) at ni Senator Imee Marcos (kanan) sa umpisa ng interview ni Karen sa senador sa Headstart ngayong Miyerkules ng umaga, June 1.
PHOTO/S: Screen grab from ANC YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results