PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla hospitalized in Spain due to high blood pressure

Robin Padilla, biglang tumaas ang presyon habang nasa park.
by Jojo Gabinete
Published Jun 1, 2022
robin padilla hospitalized
Robin Padilla: "Wala akong kahit anong sakit pero bigla na lang nawalan ng lakas ang tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno. Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong-hilo ako."
PHOTO/S: Robin Padilla Facebook

Mabuti na ang kalagayan ng aktor at senator-elect na si Robin Padilla, ayon sa kanyang manager na si Betchay Vidanes.

Nabahala ang fans at supporters ni Robin dahil sa pagtaas ng blood pressure nito habang ipinapasyal nila ni Mariel Rodriguez ang kanilang mga anak sa isang park sa Madrid, Spain, kahapon, May 31, 2022.

Mismong si Robin ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa pamamagitan ng Facebook post niya ngayong Miyerkules ng hapon, June 1.

Hindi maunawaan ni Robin ang nangyari dahil wala siyang sakit pero nanghina ang kanyang mga tuhod, nakaramdam ng matinding pagkahilo, at nagdilim ang paningin niya.

Lahad niya, “Napakahirap intindihin ng nangyari sa akin. Wala akong kahit anong sakit pero bigla na lang nawalan ng lakas ang tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno.

“Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong-hilo ako.

“May Espanyol ako na naririnig ko sa paligid ko. Kinakausap ako, parang nais niya ako alalayan. Ilang sandali ay lumiwanag ang paningin ko, nanumbalik ang lakas ng tuhod ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahan-dahan ako tumayo. Inalalayan ako ng Espanyol. Hindi ko siya naiintindihan kaya sabi ko lang, salamat Señor.

“Hinanap ko kung nasaan ang asawa ko. Nakita ko ang dalawa naming kapamilya kasama si Gabzy [ng bunso nila ni Mariel] na himbing na himbing sa kanyang stroller.

“Wala si Mariel kasama si Isabela na nakasakay sa isa sa mga rides.

“Nahihirapan na ako huminga. Bumibigat ang dibdib ko. Kailangan ko na pumunta sa ospital.”

Kahit hilong-hilo ang pakiramdam, pinilit ni Robin na maglakad papunta sa bungad ng parke para maghanap ng taxi na magdadala sa kanya sa ospital pero wala siyang nakita.

Patuloy na kuwento ni Robin, “Nag-message ako sa kababata ko na sunduin ako at magdala ng taxi.

“Nag-message din ako kay Sir Ambassador Lhuillier [Philippe Jones Lhuillier, ambassador ng Pilipinas sa Spain] tulungan ako na makapunta sa ospital.

“Nararamdaman ko na naman na nawawalan ng lakas ang tuhod ko. Parang babagsak na naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagtingin ko sa kaliwa ng entrance gate, nakita ko ang clinic. Pinuntahan ko agad ito, pumasok at sinalubong ako ng nurse na marunong mag-Ingles.

“Sinabi ko sa kanya ang nangyayari sa akin. Pinaupo niya ako kinunan ng blood pressure, 200/150.

“Nagulat ang nurse. Inulit [ang pagkuha ng BP] gano’n ulit. Nagdesisyon siyang tumawag ng ambulance.

“Ilang saglit, dumating na si Mariel at si Isabela. Nagkaroon ako ng ngiti at nakabawas ng pagkagulo ng isip.

“Pinainom ako ng pampababa ng blood pressure pero walang ipinagbago. Dumating ang ambulansiya, sinaksakan ako ng dextrose/ECG. Unti-unting umepekto ang gamot, naging 140/104 [ang blood pressure].

“Napanatag ang lahat, dahilan para alisin na ang mga aparato ng ambulansiya. Babayaran sana ni Mariel pero libre pala ang emergency service.”

Lubos ang pasasalamat ni Robin kay Ambassador Lhuillier at sa mga tauhan nito dahil sa pag-aasikaso na ginawa sa kanya.

Dumating si Ambassador Lhuillier sa park at siya ang nagdesisyong dalhin si Robin sa ospital para masuring mabuti ang bagong halal na senador ng Pilipinas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Parang Pilipinas din, kailangan ang deposito,” sabi ng 52-year-old actor tungkol mga test na ginawa sa kanya sa private hospital na pinuntahan nila.

“May mga test ang ginawa sa akin. Blood test, X-ray, urine, lahat ay normal. Binigyan lang ako ng gamot sa high blood good for 5 days"

Umaasa na dala lamang ng pagtanda ang nangyari sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa masyadong nakakapahinga si Robin mula nang mag-umpisa noong February 8, 2022 ang pangangampanya at pag-iikot niya sa buong Pilipinas nang kumandidato siya na senador kaya marami ang naniniwala na pagod ang dahilan ng pagtaas ng kanyang blood pressure, sa kauna-unahang pagkakataon.

Read: Pangunguna ni Robin Padilla sa senatorial race, tumanggap ng magkahalong reaksiyon

Matapos ang proklamasyon sa kanya ng COMELEC bilang halal na senador noong May 18, lumipad agad si Robin sa Madrid para sundan si Mariel at ang dalawang nila anak kaya naganap sa naturang siyudad ang health scare niya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla: "Wala akong kahit anong sakit pero bigla na lang nawalan ng lakas ang tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno. Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong-hilo ako."
PHOTO/S: Robin Padilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results