Watch Now

Marco Gumabao, balik-trabaho pagkatapos magpahinga ng mahigit isang buwan

by Jojo Gabinete
Jun 3, 2022
marco gumabao showbiz hiatus
Lumipad patungong Singapore ang Viva artist na si Marco Gumabao para sa taping ng isang series. Ito ang unang proyekto ni Marco pagkatapos ng mahigit isang buwang pamamahinga sa showbiz.
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram

Ang preliminary competition ng Miss Universe Philippines 2022 sa Okada Manila noong April 27 ang huling hosting job ni Marco Gumabao.

Ang coronation night ng naturang beauty pageant sa Mall of Asia Arena noong April 30 naman ang huling public appearance niya bago siya nagpahinga ng mahigit sa isang buwan.

Nakatulong ang mahabang panahon na showbiz hiatus ni Marco dahil napaghandaan nito ang original Singaporean series na tatampukan niya.

Umalis si Marco papunta sa Singapore kahapon, June 2, para sa shooting ng series na gagawin nila ng kanyang Singaporean co-stars.

Mahigit sa isang buwang mawawala sa Pilipinas si Marco pero inayos na mabuti ang kanyang schedule kaya hindi maaapektuhan ang ibang mga project niya.

Hindi inilihim ni Marco ang pag-alis nito sa Pilipinas dahil nagpaalam siya sa kanyang mga social media follower na napansin ang pagpayat at maaliwalas na hitsura ng well-rested actor.

Mensahe niya: “Bye for now MNL! Shooting something BIG in SG. Can’t wait to share it with ya’ll. Be back in 5-weeks.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagbigay ng kumpletong detalye si Marco tungkol sa series na gagawin niya sa Singapore na simula ng panibagong kabanata sa kanyang buhay at acting career.

Walang audition na pinagdaanan si Marco para makuha nito ang role dahil ang mga producer ng Singaporean series ang pumili sa kanya para sa karakter na gagampanan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lumipad patungong Singapore ang Viva artist na si Marco Gumabao para sa taping ng isang series. Ito ang unang proyekto ni Marco pagkatapos ng mahigit isang buwang pamamahinga sa showbiz.
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results