PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer-host Jean Riley, nagpaalam na sa Masked Singer Pilipinas

Jean Riley, muntik nang matanggal ang costume bilang Tarsier.
by Jojo Gabinete
Published Jun 4, 2022
jean riley masked singer pilipinas
Ang singer/actress/host na si Jean Riley ang nasa loob ng Tarsier costume na na-eliminate sa semifinal round ng Masked Singer Pilipinas Season 2.

Ang singer-actress at host na si Jean Kiley ang nagpaalam sa semi-final round ng Masked Singer Pilipinas Season 2 ng TV5 at Viva Television ngayong Sabado ng gabi, June 4, 2022.

Siya ang tumanggap ng pinakamababang boto mula sa Masked Universe judges at judge detectives na sina Aga Muhlach, Bayani Agbayani, Cristine Reyes, Kim Molina, at Matteo Guidicelli.

Ang maskara at costume ng tarsier ang ginamit ni Jean sa Masked Singer Pilipinas.

jean riley masked singer pilipinas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nahulaan pa rin ng mga judge detective ang katauhan ng singer-actress na nagsimula ang showbiz career bilang miyembro ng fourth generation ng Pops Girls at madalas na host ng mga virtual at face-to-face presscon ng Vivamax.

Si Jean ang host ng media conference ng Secrets noong May 19.

Nang makausap namin siya, nagtanong kami kung si Tarsier ang kanyang paborito sa mga contestant ng Masked Singer Pilipinas.

Napangiti si Jean at sinabing, “Wala akong sinasabi, ha?”

Nakumpirma ngayong gabi na si Jean nga si Tarsier.

Nagkaroon siya ng wardrobe malfunction dahil muntik nang matanggal ang kanyang maskara habang ganadung-ganadong kinakanta ang "You Give Love a Bad" Name na nagbigay ng tensiyon sa judge detectives at televiewers.

Mensahe ni Jean, “Sobrang kabado po talaga ako. Salamat siyempre sa lahat ng judges natin.Sobrang saya ko na na-experience ko ito.

“Actually, first season pa lang, nagpe-pray na ako. Sabi ko, gusto kong sumali sa Masked Singer. Kaya lang, sabi ko, 'Puwede kaya ako?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa wakas, nakasali na tayo. Nakatungtong na tayo dito. Thank you!” tuwang-tuwang pasasalamat ni Jean, na pinatunayang bukod sa mahusay na host ay magaling din siya sa singer.

Limang celebrity contestants na lamang ang natitirag maglalaban-laban dahil sa pagkakatanggal ni Jean sa Masked Singer Pilipinas.

Sila ang mga contender na gumagamit ng mga maskara at pangalang Jeepie, Candylabra, Panda, Crispy Patty, at Banana.

Hula ng netizens, sila ay sina Arthur Nery, Marion Aunor, Kris Lawrence, Frenchie Dy, at Jex Dex Castro, respectively.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang singer/actress/host na si Jean Riley ang nasa loob ng Tarsier costume na na-eliminate sa semifinal round ng Masked Singer Pilipinas Season 2.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results