Naging bahagi ng buhay ng halos lahat ng mga sanggol sa buong mundo ang Gerber, ang baby food at baby products company na itinatag noong 1927.
Ang charcoal sketch ng mukha ng isang sanggol ang iconic logo ng Gerber baby foods.
Iginuhit ito ni Dorothy Hope Smith (October 1,1895-December 16, 1955), na kapitbahay ni Ann Turner Cook.
Noong 1928, naghanap ang Gerber ng mukha ng sanggol na magiging kinatawan ng kanilang baby food advertising campaign.
Ipinadala ni Smith ang hindi pa tapos na charcoal sketch ng larawan ng limang buwan na si Cook, at ito ang napili ng mga hurado at naging official trademark ng kompanya mula pa noong 1931.
Sa loob ng halos 40 taon, nanatiling sikreto ang katauhan ng sanggol sa iconic logo ng Gerber.
Hanggang isiwalat ng kompanya noong kalagitnaan ng dekada ’70 na si Cook ang orihinal na Gerber baby.
Noong Biyernes, June 3, 2022, isang malungkot na balita ang inilabas ng Gerber—ang pagpanaw ni Ann Turner Cook sa Florida, USA.
Siya ay 95.
Pagbibigay-pugay ng Gerber: “Gerber is deeply saddened by the passing of Ann Turner Cook, the original Gerber baby, whose face was sketched to become the iconic Gerber logo more than 90 years ago.
“Many years before becoming an extraordinary mother, teacher and writer, her smile and expressive curiosity captured hearts everywhere and will continue to live on as a symbol for all babies.
"We extend our deepest sympathies to Ann’s family and to anyone who had the pleasure of knowing her.”
Mananatiling buhay ang alaala ni Cook sa habampanahon dahil sa kanyang larawan na ginamit na logo sa mga food product ng nasabing kompanya para sa mga sanggol.