PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Joel Lamangan, hindi pa nakararanas ng pang-aabuso

Direk Joel Lamangan, nilinaw ang ibig sabihin ng "Biyak."
by Jojo Gabinete
Published Jun 9, 2022
joel lamangan biyak
Direk Joel Lamangan: “Wala naman mang-aabuso sa akin dahil ayokong abusuhin ako dahil hindi rin naman ako nang-aabuso. Wala pa akong naranasan na ganoon.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Tungkol sa pang-aabuso ang kuwento ng Biyak, ang bagong pelikula ng direktor na si Joel Lamangan at launching movie ng baguhang sexy star na si Angelica Cervantes.

Isa si Joel sa mga direktor na nagtataglay ng malakas na personalidad at iginagalang sa movie industry kaya, out of curiosity, tinanong namin siya kung naranasan na niyang maging biktima ng pang-aabuso tulad ng mga pangunahing karakter sa Biyak.

“Ako? Biktima ng pang-aabuso? Ako?” parang hindi makapaniwalang reaksiyon ni Joel sa tanong na narinig niya.

“Hindi! Hindi ko naranasan. Walang naglalakas-loob na abusuhin ako kasi sa umpisa pa lang, siyempre, papalag na ako.

“Wala naman mang-aabuso sa akin dahil ayokong abusuhin ako dahil hindi rin naman ako nang-aabuso. Wala pa akong naranasan na ganoon.”

May paglilinaw si Direk Joel tungkol sa pamagat na Biyak na pinagkakamalan ng karamihan na may malaswa na kahulugan.

“Ang ibig sabihin ng biyak, cut. Ano ang cut niya sa nangyaring project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Cut, komisyon ang ibig sabihin ng title. Hindi yung malaswang biyak. Hindi.

“Si Quinn [Carillo] ay nagtatrabaho bilang asset ng pulis. Kapag may mga project, humihingi siya ng cut o percentage sa nangyari.

“Kung meron halimbawang nakuha na drugs na ibebenta uli, meron siyang cut. Percentage o komisyon,” pagtutuwid ni Joel sa maling interpretasyon ng ibang mga tao sa titulo ng bagong proyekto niya para sa Vivamax.

Ang magandang kuwento ng Biyak at ang kagustuhang makatrabaho ang mga baguhang artista gaya ni Angelica ang ilan sa mga inspirasyon ni Joel kaya ginawa nito ang Biyak.

“Maganda kasi ang istorya. It’s about pang-aabuso ng isang stepfather na very common now ang nag-inspire sa akin at yung mga baguhan na gaya nina Angelica, Vance [Larena], at Quinn.

“Excited din ako na makasama uli si Albie [Casiño] that’s why I wanted to do it,” saad ni Direk Joel.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan: “Wala naman mang-aabuso sa akin dahil ayokong abusuhin ako dahil hindi rin naman ako nang-aabuso. Wala pa akong naranasan na ganoon.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results