Sina Cesar Montano at Albert Martinez ang pinagpilian para gumanap na President Ferdinand Marcos sa Maid In Malacañang, ang "comeback movie" ng controversial director na si Darryl Yap.
Pansamantalang nagpahinga sa paggawa ng pelikula si Darryl dahil itinuon niya ang atensiyon sa kampanya ng mga kandidatong kanyang sinuportahan sa eleksyon noong May 9, 2022.
Si Cesar ang final choice para sa role ni Marcos Sr. Kasali rin kasi sa cast ng pelikula ang kanyang anak na si Diego Loyzaga na gaganap na Bongbong Marcos.
Magbibida rin sa Maid In Malacañang sina Cristine Reyes at Elizabeth Oropesa.
Si Ruffa Gutierrez ang gaganap bilang Imelda Romualdez Marcos.
Uumpisahan ang shooting ng Maid In Malacañang sa huling linggo ng June 2022.
May playdate na ang pelikula dahil mapapanood ito sa Vivamax simula sa July 23, 2022.
Ang Maid In Malacañang ang unang movie project ni Darryl matapos na ideklara siya na persona non grata ng Quezon City Council noong June 8, 2022 dahil sa ad campaign video na ginawa nila ni Ai-Ai delas na diumano’y pang-iinsulto sa official seal ng Quezon City.
Read: Quezon City Council approves resolution declaring Ai-Ai delas Alas, Darryl Yap persona non grata
Read: Darryl Yap reacts to being declared persona non grata by Quezon City Council
Si outgoing Quezon City Ivy Lagman ang may panukala na ideklarang a persona non grata ang dalawa.
Babawiin umano ng Quezon City Council ang inilabas na resolusyon kung taimtim na hihingi ng paumanhin sina Darryl at Ai-Ai.
Pero umiral ang pagiging sutil ni Darryl dahil sa pahayag nitong “Kung ang na-offend namin ang seal o logo, willing ako mag-apologize sa logo o seal.”
Pero sineryoso ni Lagman ang kanyang mga sinabi dahil hindi raw nakapagsasalita ang Quezon City seal.
“The seal cannot speak sa ginawa niya! Kami na lang ang magde-defend. He is really making a mockery out of everything.
"Huwag naman, let’s draw the line.There are things we hold sacred," reaksiyon ni Lagman sa panayam ng ABS-CBN News tungkol sa panunutil na ginagawa ni Darryl sa kanya.