PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Keempee de Leon posts cryptic messages

“Ni di ka man lang maalalang tanungin kung buhay ka pa ba?"
by Jojo Gabinete
Published Jun 15, 2022
keempee de leon
Keempee de Leon: "Dedmahan na lang since ganyan naman gawain nyo natitiis nyo ang tao. Makakaalala lang kayo kung may okasyon???? Pero kalagayan ng tao di nyo naaalala kung ano na etc???? Talaga ba?!?!"
PHOTO/S: @kimpster888 on Instagram

Ang cryptic Facebook posts ni Keempee de Leon ang patunay ng tampo o sama ng loob na kanyang nararamdaman.

Hindi niya pinangalanan ang tao o mga taong tinutukoy kaya lalo itong naging palaisipan sa mga nakabasa at naintriga.

May kinalaman sa mga taong walang malasakit sa kanya na napatunayan umano niya sa panahon ng pandemya ang unang cryptic post ni Keempee noong June 11.

“WALA NA ISIP KO LANG NARAMDAMAN AT NAPATUNAYAN

"Mula nung nag-umpisa ang pandemia hanggang ngayon. Wala na palang ibang tutulong sayo kung di ang Diyos, Sarili Mo, Ibang tao at iilan na tunay mong kaibigan.

“At kung sino pa ang inaasahan mo.... sya/sila pa ang dedma at walang paki sayo kasi safe sila and they have everything in life!

“Ni di ka man lang maalalang tanungin kung buhay ka pa ba? kung may kailangan ka? kung may kinakain ka pa ba? kamusta kalagayan mo? kung ok ka lang ba? at kung kamusta ka?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon ko lang napatunayan na kanya-kanya na pala talaga ngayon. Wala ng paki sayo. At least alam ko na talaga ngayon. So be it,” malalim na hugot ni Keempee.

Dinugtungan niya ito ng mga hashtag na #SurviveOnYourOwn #SurvivalMode.

keempee de leon post

Ngayong Miyerkules, June 15, muling naglabas si Keempee ng nararamdaman nito sa taong inakusahan niyang nagpapanggap at nakakaalala lamang sa tuwing may mga okasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Himutok niya: “Patawarin ako ng Diyos. Minsan lang ako magsalita pero sorry! Tama na! Nakakapagod at sawa na manahimik. Kitang kita naman sa ugali at pagkatao. Wag na mapagpanggap!

“Dedmahan na lang since ganyan naman gawain nyo natitiis nyo ang tao. Makakaalala lang kayo kung may okasyon???? Pero kalagayan ng tao di nyo naaalala kung ano na etc???? Talaga ba?!?!

“Salamat na lang, at masaya naman buhay nyo kita naman. Pasalamat na lang kayo lahat na sa inyo na wala kayong pinoproblema at inaalala sa araw araw. God bless na lang. Diyos na bahala sa akin wala ng iba.”

#RealTalkLang at #JustBeingREAL ang mga hashtag ni Keempee sa pangalawang cryptic post.

keempee de leon post

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinang-ayunan ng comedian na si Ariel Villasanta, pinsan ng ama ni Keempee na si Joey de Leon, ang magkahiwalay na posts ng aktor.

Sabi ni Ariel, “Sobrang tama yang observation mo! Kung sino yung inaasahan mo na tutulong sayo, dedma! Grabe, nakakabilib ang tigas ng kalooban. Walang konsyensya.

“Parang hindi pamilya. Basta ang importante, maginhawa sila. Paki nila sa atin!

“Tapos, yung ibang kaibigan mo, imbes na sumuporta morally, kahit hindi nasa pera eh puro kritisismo pa.

“Eh puede pa bang ibalik ang nakaraan? Hindi nakakatulong yun. Lalo lang nakaka-down yun kaya ang masasabi ko lang Kimps, ang Panginoon lang ang ang tutulong sa atin. Siya ang gagawa paraan kaya parati lang tayong makipag-usap sa Kanya.

“Kung ano man ang nakikita nyo na post tanggapin nyo ang katotohanan, hindi puedeng puro image tayo dito. Ang importante, isipin nyo rin yung mga damdamin ng kapamilya nyo. Yung mga nagsasabi na ‘I hope ur ok,’ hallller hindi nga ok di ba? Row 4!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa reaksiyon ni Ariel, nagkaroon ng mga haka-haka ang mga nakabasa sa cryptic post ni Keempee tungkol sa taong tinutukoy nito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keempee de Leon: "Dedmahan na lang since ganyan naman gawain nyo natitiis nyo ang tao. Makakaalala lang kayo kung may okasyon???? Pero kalagayan ng tao di nyo naaalala kung ano na etc???? Talaga ba?!?!"
PHOTO/S: @kimpster888 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results