PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: Entertainment personality needs professional help

Mga kapitbahay, inirereklamo ang mabahong amoy ng tinitirhan ng entertainment personality.
by Jojo Gabinete
Published Jun 22, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nanawagan ng tulong ang mga taong nagmamalasakit sa popular entertainment personality na dalawang beses nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.

Lulong sa masamang bisyo ang entertainment personality na madalas nawawala sa sarili at inaaway ang lahat ng mga taong nakasasalamuha nito.

Professional help na ang kailangan ng entertainment personality pero in denial ito dahil masyado na siyang apektado ng kanyang bisyo—physically, emotionally at mentally.

Madalas nasasangkot sa eskandalo ang entertainment personality sa village na kanyang tinitirhan kaya nagrereklamo na ang mga kapitbahay niyang sawang-sawa na sa mga problemang siya rin ang may kagagawan.

Isyu rin sa mga kapitbahay ng entertainment personality ang kanyang tahanan na pinagmumulan ng mabahong amoy dahil hindi niya nililinis.

Nag-alsa balutan na ang mga kasambahay ng entertainment personality na hindi na natagalan ang kanyang sala sa init at sala sa lamig na pag-uugali.

Nilayuan na ang entertainment personality ng pamilya at mga kaibigan niya kaya nag-aalala nang husto ang concerned citizens dahil baka magtuluy-tuloy ang pagkawala ng kanyang katinuan kapag hindi siya naipasok sa rehabilitation center o mental hospital sa lalong madaling-panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanging ang entertainment personality ang makakatulong sa sarili dahil hindi na niya pinakikinggan ang mga taong dating tumutulong sa kanya pero nagsawa na.

Nakalulungkot ang mga nangyayari ngayon sa buhay ng entertainment personality na hindi pinahalagahan ang mga malalaking biyaya at oportunidad na ipinagkaloob sa kanya kaya ipinagbunyi siya noon ng mga Pilipino dahil sa mga karangalang natanggap niya.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results