Nakamamanghang malaman na memoryado ng mga kabataang Pilipino, na may edad 11 pataas, ang "Running Up That Hill," ang 1985 hit song ng English singer na si Kate Bush.
Ang "Running Up That Hill" ang isa sa mga featured song sa Netflix hit series na Stranger Things.
READ: Alden Richards starstruck on meeting Stranger Things 4 cast
Twenty-seven years old si Kate nang i-release noong August 1985 ang "Running Up That Hill," na siya ang sumulat at nag-produce para sa kanyang Hounds of Love album.
Makalipas ang tatlumpu’t pitong (37) taon, hindi makapaniwala si Kate sa phenomenal success ng "Running Up That Hill" na muling sumikat dahil sa popularidad ng Stranger Things.
Sixty-three years old na ngayon si Kate.
Sa panayam sa kanya sa Woman’s Hour ng BBC Radio 4, nagsalita siya tungkol sa single niyang namamayagpag ngayon. Number one song ito sa United Kingdom, Australia, New Zealand, Sweden, at Switzerland, at No. 4 naman sa U.S. charts.
"It's just extraordinary. It's such a great series, I thought that the track would get some attention.
"But I just never imagined that it would be anything like this. It's so exciting, it's quite shocking really, isn't it?
"The whole world's gone mad!" pahayag ni Kate sa Woman’s Hour.
Ipinagtapat ni Kate na hindi nito ugaling pakinggan ang kanyang mga lumang kanta kaya matagal na niyang hindi naririnig ang "Running Up That Hill" hanggang maging popular ito dahil sa Stranger Things.
Sa kasalukuyan, si Kate ang oldest singer na nagkaroon ng number one hit song sa U.K. at sa iba’t ibang bansa kaya ikinatutuwa niya ang katotohanang kilala na siya ng mga kabataan ngayon dahil sa kanyang 37-year-old song.
"What's really wonderful, I think, is that it's this whole new audience who in a lot of cases, they've never heard of me. And I love that!
"The thought of all these really young people hearing the song for the first time and discovering it, I think it's very special," masayang-masaya na sabi ni Kate.