PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beauty pageant candidates in Angola protest winner

Miss Universe 2011 Leila Lopes, naglabas ng official statement tungkol sa isyu.
by Jojo Gabinete
Published Jun 22, 2022
leila lopes statement
Iprinotesta ng ibang mga kandidata ang pagkapanalo ni Jandira Monteiro (kaliwa) bilang Miss Uíge 2022 at kakatawan sa kanilang lalawigan sa Miss Universe Angola 2022. Naglabas naman ng official statement ang national director ng Miss Universe Angola na si Miss Universe 2011 Leila Lopes (kanan) tungkol sa isyu.
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Naglabas ng opisyal na pahayag si Miss Universe 2011 Leila Lopes tungkol sa kaguluhang nangyari sa coronation night ng Miss Uíge 2022 noong June 18.

Si Leila ang national director at presidente ng Miss Universe Angola.

Ang Uíge ang provincial capital city ng Northwestern Angola.

Noong nakaraang Sabado, sa pamamagitan ng isang beauty pageant, pinili ang magiging kinatawan ng kanilang lalawigan sa Miss Universe Angola 2022.

Si Jandira Monteiro ang hinirang na Miss Uíge 2022 pero nagprotesta ang mga kandidata nang siya ang ideklarang nanalo.

Mapapanood sa viral video ng kontrobersiyal na beauty contest ang pagpoprotesta ng mga kandidatang inihagis ang kanilang mga sash at nagsisigaw na hindi karapat-dapat magwagi si Monteiro.

Nakunan din ng video ang pag-agaw ng isang babae sa korona ni Monteiro, na tinulungan ng dalawang security personnel para makaalis mula sa lugar na pinangyarihan ng kaguluhan.

Nagrebolusyon ang mga kandidata dahil sa kanilang mabigat na paratang na girlfriend ng vice chairman ng Miss Uíge Committee si Monteiro kaya ito ang nanalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa nag-umpisa ang programa, nagkaroon na ng kaguluhan dahil ayaw nang lumabas sa stage ng mga kandidatang naniniwalang hindi sila magwawagi kaya imbes na 7 p.m., alas-onse na ng gabi nang magsimula ang coronation show.

Nangako si Leila na iimbestigahan nito ang nangyari pero dapat daw igalang ng mga kandidata ang desisyon ng hurado. Kung may mga reklamo, kailangang idaan ito sa legal na paraan.

Iginiit ni Lopes na hindi na maaaring sumali sa mga future beauty contest ang mga kandidatang mapatutunayang gumawa ng gulo at nagpakita ng magaspang na asal laban sa tagumpay ni Monteiro.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpasalamat naman si Monteiro sa mga supporter niya nagbigay sa kanya ng lakas ng loob.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iprinotesta ng ibang mga kandidata ang pagkapanalo ni Jandira Monteiro (kaliwa) bilang Miss Uíge 2022 at kakatawan sa kanilang lalawigan sa Miss Universe Angola 2022. Naglabas naman ng official statement ang national director ng Miss Universe Angola na si Miss Universe 2011 Leila Lopes (kanan) tungkol sa isyu.
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results