Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro

by Jojo Gabinete
Jun 27, 2022
joaquin domagoso raffa castro baby
It can now be revealed that Joaquin Domagoso (left) has a two-month-old son with Raffa Castro (right), younger sister of Kapuso actress Claire Castro.
PHOTO/S: Instagram

Laman ng blind item ng Cabinet Files noong January 27, 2022 ang tungkol sa young actor na nakabuntis sa kanyang girlfriend na kapatid ng isang aktres at magiging ganap ang pagiging ama ng young actor sa April 2022.

Read: Young actor, nabuntis ang girlfriend na kapatid ng isang aktres

Pagkalipas ng eksaktong limang buwan, ang blind item na ito ay papangalanan na.

Ang young actor na tinutukoy sa blind item ay si Joaquin Domagoso, ang 20-year-old Kapuso actor na anak ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ang kapatid naman ng aktres na tinutukoy ay si Raffa Castro, nakakabatang kapatid ng Kapuso actress na si Claire Castro. Sina Raffa at Claire ay mga anak ng actor-turned-broadcaster na si Diego Castro.

Isinilang ni Raffa ang anak nila ni Joaquin na si Scott Angelo Domagoso sa FEU Medical Center, Quezon City, noong April 28, 2022.

Ibig sabihin, dalawang buwan na ang baby nina Joaquin at Raffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Scott ang totoong palayaw ni Mayor Isko noong kabataan niya kaya Scott ang ipinangalan nina Joaquin at Raffa sa kanilang anak.

Itinuturing na isang malaking biyaya si Scott dahil siya ang naghahatid ngayon ng kaligayahan sa pamilya ng Castro at Domagoso.

Tuwang-tuwa si Mayor Isko sa pagdating ng kanyang apo na malaki ang pagkakahawig sa kanila ni Joaquin.

Hindi inilihim ni Joaquin ang pagkakaroon nila ni Raffa ng anak dahil nakikita ng mga tao ang pagdalaw sa ospital ng kanyang pamilya.

Nagkataon ding nasa lock-in taping si Joaquin ng First Lady noong January 2022 at kasagsagan ng presidential campaign ni Isko kaya hindi pa panahon para aminin niya ang mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Hindi man pinalad si Isko sa presidential bid nito, panalung-panalo ang outgoing mayor ng Maynila dahil sa apo na mapagbabalingan niya ng panahon at atensiyon kapag bumaba na siya mula sa kanyang puwesto sa June 30, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging sa pamilya Castro ay bukas ang relasyon nina Joaquin at Raffa.

Kamakailan lamang ay nag-post pa si Diego sa Instagram ng ilang larawan na kuha sa family bonding nila sa Tagaytay. Sa isang larawan ay magkatabi sina Joaquin at Rafa habang kumakain ang mag-anak sa isang restaurant.

diego castro joaquin raffa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman naniniwala ang mga nagmamahal at nagmamalasakit kay Joaquin na makakaapekto sa kanyang acting career ang pagkakaroon ng anak sa edad na 20. Ito ay dahil ang pangarap niya ay makilala bilang mahusay na aktor at hindi matinee idol.

Hinihintay pa ang pagsasalita ni Joaquin tungkol sa bago at exciting na kabanata ng kanyang buhay dahil nauna nang umamin ang kapwa niya Kapuso star na si Rita Daniela na buntis ito sa episode ng All Out Sundays nitong Linggo ng tanghali, June 26.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It can now be revealed that Joaquin Domagoso (left) has a two-month-old son with Raffa Castro (right), younger sister of Kapuso actress Claire Castro.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results