Kahit nakatuon ang atensiyon ng karamihan sa panunumpa ni Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas nitong Huwebes ng tanghali, June 30, 2022, marami pa rin ang interesado sa mga ginawa ni former President Rodrigo Duterte nang bumaba ito mula sa kanyang puwesto at bumalik sa simpleng pamumuhay.
Read: Ferdinand Marcos Jr. is sworn in as 17th President of the Philippines
Bago nagpunta si Marcos Jr. sa National Museum para sa kanyang inagurasyon, nagsadya muna siya sa Malacañang Palace para makipagkita at makipag-usap kay Duterte.
Ginugol naman ni Duterte ang mga huling oras niya sa Palasyo sa pamamagitan ng pagpapakuha ng litrato, kasama ang kanyang mga tauhan sa iba’t ibang lugar ng Malacañang Palace na naging tanggapan niya sa loob ng anim na taon.
Former President Rodrigo Duterte with Martin Andanar
Mula sa Malacañang Palace at bilang Citizen Duterte, nagtungo ang dating pangulo at ang kanyang mga kasama sa Greenbelt 5 sa Makati City para mag-shopping at kumain sa Fely J’s, isang Filipino restaurant.
Tila isang rockstar na pinagkaguluhan si Duterte ng mga kababayan nating nakasalamuha niya sa mall.
Nitong Huwebes ng gabi, bumalik na si Duterte sa Davao City, sakay ng isang commercial flight at mainit ang naging pagsalubong sa kanya ng Davaoeños na nagpalakpakan nang dumating siya sa international airport ng siyudad.