Watch Now

AJ Raval papabulaanan ang tsismis na buntis siya

by Jojo Gabinete
Jul 2, 2022
AJ Raval
“Ito ba ang buntis?" ang tanong ni AJ Raval para sa mga taong ipinipilit na nagdadalang-tao siya. Ito ang latest photos ni AJ sa kanyang Instagram account.
PHOTO/S: @ajravsss Instagram

Walang plano ang veteran entertainment writer na si Aster Amoyo na bawiin ang mga isinulat nitong buntis ang sexy star na si AJ Raval at meron na itong anak sa dating boyfriend.

Ayon kay Amoyo, hindi umano puwedeng tawaran ang kredibilidad ng kanyang source tungkol sa tunay na estado ng Vivamax star.

Ang kumpirmasyon ng beteranong writer na buntis si AJ ang dahilan kaya naglabas ang sexy star ng larawan sa Instagram account nito na nagpapakitang wala itong baby bump at maimpis o flat ang tiyan.

View this post on Instagram

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Bukod sa inilabas na larawan, magsasalita si AJ at tahasang pabubulaanan sa kanyang YouTube vlog ang tsismis na buntis siya sa magiging anak nila ng boyfriend na si Aljur Abrenica.

Mapapanood sa upcoming vlog ni AJ ang pagtayo niya, pag-aalis ng suot na jacket, at pag-ikot para ipakita ang kanyang tiyan na walang anumang senyales na buntis siya.

“Ito ba ang buntis?" ang tanong ni AJ para sa mga taong ipinipilit na nagdadalang-tao siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinanggi rin ng isang malapit kay AJ ang balita dahil katatapos lamang ng shooting ng sexy star para sa Sitio Diablo, isang sexy drama action movie na mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr.

Pinabulaanan din ni Perez ang balita nang makausap siya ng Cabinet Files. Tumatalon at may mga mahihirap daw na action stunts sa Sitio Diablo si AJ na hindi nito magagawa kung totoong buntis nga ang bida ng kanyang bagong proyekto.

Ayon pa sa taong nagsalita para kay AJ, imposible talagang buntis ang aktres dahil kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, sisimulan sa July 7 ang shooting ng Us X Her.

Makakasama ni AJ sa Us X Her sina Angeli Khang at Kiko Estrada. May mga endorsement din si AJ na pruwebang hindi siya mawawala sa showbiz.

Nag-umpisa ang balitang buntis si AJ nang tumanggi itong gawin ang Scorpio Nights dahil may balak siyang ipagpatuloy at tapusin ang kanyang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala kaming lalabas at lalabas ang katotohanan sa huli dahil ilang beses nang napatunayan na, sa showbiz, walang lihim na di nabubunyag.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Ito ba ang buntis?" ang tanong ni AJ Raval para sa mga taong ipinipilit na nagdadalang-tao siya. Ito ang latest photos ni AJ sa kanyang Instagram account.
PHOTO/S: @ajravsss Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results