Nagkaroon muli ng komunikasyon noong nakaraang linggo pero sandali lamang, ang bagong balita tungkol kay Jeric Gonzales at sa kanyang ex-girlfriend na si Rabiya Mateo.
Reportedly, hindi nakatulong ang social media post ni Rabiya tungkol sa moral support na ibinigay sa kanya ni Pinoy Big Brother alumnus Tyler Mata para balikan siya ni Jeric.
“Thank you for always being there in my lowest. See you soon,@itstylermata “ang appreciation post ni Rabiya para kay Mata na sinagot nito ng “Always got you.”

Mula nang mapabalita na hiwalay na sila, tahimik lamang si Jeric samantalang hindi nagpaawat si Rabiya na ginamit ang social media para sa kanyang cryptic post na “Hi! Ako pala ‘yung sinaing mo.Joke!" na pabiro pero alam ng lahat na patungkol kay Jeric.
View this post on Instagram
Buhat nang maghiwalay sila ni Rabiya, na hindi na sineseryoso ng mga tao dahil sa kanilang away-bati na relasyon, nilinis ni Jeric ang Instagram account nito kaya burado na ang lahat ng kanyang mga post.

Hindi na rin follower si Jeric ng mga social media account ni Rabiya na tila pahiwatig na tuluyan nang napagod at umayaw ang 29-year-old actor sa relasyon nila ng dating girlfriend.
Ang taping ng Philippine adaptation ng Start-Up ang pinagkakaabalahan ni Jeric na nakakatulong sa kanya para makalimot sa mga unnecessary drama na nangyayari sa buhay niya.
Ang finale episode naman ng First Lady noong July 1 ang huling television appearance ni Rabiya.
Kasama si Rabiya nina Glaiza de Castro at Carla Abellana na gumanap na mga yaya na gustong mamasukan bilang taga-pag-alaga ng anak ng mga karakter nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa First Lady.