Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, magsisimula sa July 16, 2022 ang pagsasanib-puwersa ng It’s Showtime at ng Lunch Out Loud.
Read: It's Showtime to air on TV5 back-to-back with Lunch Out Loud
Ang It’s Showtime ang noontime variety program ng Kapamilya Channel at ng A2Z at katapat nito ang Lunch Out Loud ng TV5.
Inaayos na mabuti ng mga kinauukulan ang magaganap na pagsasama sa Kapatid Network ng mga nabanggit na programa kaya malalaman sa mga susunod na araw, sa pamamagitan ng isang official announcement, ang magiging timeslot ng It’s Showtime at Lunch Out Loud.
May mga haka-haka na ang Lunch Out Loud ang ilalagay na pre-programming ng It’s Showtime, na hindi puwedeng alisin sa timeslot nito dahil napapanood din ang programa sa A2Z.
Matatandaang ang It’s Showtime ang pre-programming ng Wowowee noong hindi pa nagkaroon ng problema sa pagitan ng management ng ABS-CBN at ng popular TV host na si Willie Revillame.
Marami ang naghihintay sa magaganap na pagsasanib-puwersa ng It’s Showtime at Lunch Out Loud dahil inaabangan kung magkakaroon ito ng epekto sa Eat Bulaga, ang longest-running noontime show ng bansa na hindi napatumba ng ibang mga nakatapat na programa.
Maganda ring abangan ang magiging reaksiyon ni Bobet Vidanes, ang dating direktor direktor ng It's Showtime na ngayon ay creative director na ng Lunch Out Loud.
Read: Bobet Vidanes on final straw that made him leave It's Showtime: "Toxic na, e... Iba na ang patakbo."