PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bayani Agbayani on Lunch Out Loud, It's Showtime joining forces

Lunch Out Loud at It's Showtime, mapapanood na sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel
by Jojo Gabinete
Published Jul 8, 2022
bayani agbayani
Bayani Agbayani sa pagsasanib-puwersa ng Lunch Out Loud at It's Showtime: “Natutuwa ako dahil makakasama ko na naman ulit ang aking Kapamilya na tumulong at nagtiwala sa akin kaya may isang Bayani Agbayani.”
PHOTO/S: Facebook

Simultaneous nang mapapanood ang Tropang LOL (dating Lunch Out Loud) at ang It’s Showtime sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel simula sa July 16, 2022.

Ang Lunch Out Loud ang noontime variety show na napapanood sa free-to-air television network na TV5.

Ipinalalabas naman ang katapat na programa nitong It’s Showtime sa A2Z, na isang free-to-air television din at sa Kapamilya Channel, ang pay television network na pag-aari ng ABS-CBN Corporation.

Read: It's Showtime to air on TV5 back-to-back with Lunch Out Loud

Ang Lunch Out Loud co-host na si Bayani Agbayani ang isa sa mga natuwa sa magaganap na pagsasanib-puwersa ng dalawang dating magkatapat na noontime shows.

Naniniwala siyang makatutulong ang pagsasama ng mga nabanggit na noontime shows para lalong tumaas ang ratings ng kanilang programa at ng It’s Showtime.

“Happy ako kasi, unang-una, sa tatlong channels na mapapanood ang Tropang LOL — sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5. Malay mo may TFC pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos magtutulungan pa kami ng It's Showtime para lalong mag-rate pareho ang aming shows.

“Masarap ang pakiramdam kapag laging nagtutulungan at nagkakasundo ang bawat isa sa ating industriya,” pahayag ni Bayani sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files kagabi, July 7.

Read: Bayani Agbayani, idineklarang No. 2 noontime show sa bansa ang Lunch Out Loud

Naniniwala rin si Bayani na ang televiewers ang masuwerte at makikinabang sa back-to-back shows ng Tropang LOL at It’s Showtime na nakadagdag sa kaligayahang nararamdaman niya.

“Ang masuwerte diyan, ang mga manonood, kasi dalawang network ang nagsikap at nag-collab para makapagbigay ng magaganda at makabuluhang programa para sa manonood ng telebisyon.

“Masuwerte rin kaming mga artista at mga nasa production dahil magkakaroon ng maraming trabaho at opportunity ang bawat isa,” sabi ni Bayani.

Sabik na ang comedian-TV host na makasama muli ang mga dating Kapamilya niya sa ABS-CBN.

“Natutuwa ako dahil makakasama ko na naman ulit ang aking Kapamilya na tumulong at nagtiwala sa akin kaya may isang Bayani Agbayani,” saad niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani sa pagsasanib-puwersa ng Lunch Out Loud at It's Showtime: “Natutuwa ako dahil makakasama ko na naman ulit ang aking Kapamilya na tumulong at nagtiwala sa akin kaya may isang Bayani Agbayani.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results