Natupad ang pangarap ng former child actor na si Miggs Cuaderno na maging "Regal baby" dahil pinapirma siya ng exclusive contract ni Regal Entertainment Inc. Chief Operating Office Roselle Monteverde.
Ang pumanaw na direktor na si Maryo J. Delos Reyes na resident director noon ng Regal Films ang discoverer at mentor ni Miggs kaya tuwang-tuwa ang 18-year-old actor sa pagpirma nito ng kontrata sa bagong home studio niya.
"Happy and proud po ako na maging certified Regal baby," ang sabi ni Miggs sa mensahe na ipinadala niya sa Cabinet Files.
"Masaya po ako na naniniwala sa aking talent si Ma’am Roselle. Marami po ang magaganda at guaranteed projects na na naka-line up para sa akin kaya nakaka-excite.
"Paghuhusayan ko po lalo ang pag-arte para matuwa si Direk Maryo dahil siya ang discoverer ko noong 5 years old ako.
"Na-discover niya ako sa isang stageplay ng PETA at bit role lang po ang karakter ko.
"Alam ko po na si Direk Maryo ang guardian angel ko ngayon."
Multiawarded child actor si Miggs dahil sa magkakasunod na parangal na kanyang natanggap noon at ito ang mga karanasan na hinding-hindi niya malilimutan.
"Tumanggap po ako ng awards na hindi ko inaasahan lalo na nang maging best actor ako sa Paris [para sa Quick Change sa 20th Chéries-Chéris Film Festival noong December 2014].
"Tapos, sunud-sunod na po ang awards ko, sa FAMAS at Star Awards."
ON BEING BULLIED WHEN HE WAS A KID
uwento ni Miggs na biktima ng bullying noong nagsisimula pa lamang ang kanyang acting career.
"Naranasan ko po na ma-bully nung five years old ako at kinder student. Biglang may bumatok sa akin.
"Iyak ako nang iyak nang sunduin ako ng daddy ko sa school.
"Mula noon, ayoko nang iniiwan ako ng daddy ko kapag pumapasok ako sa school. Umiiyak ako.
"Ang nangyari, kapag hindi pa nag-uumpisa ang klase, kasama ako ng mga teacher sa faculty room at dinadala na lang ako sa classroom kapag magsisimula na ang klase."