Pasok si Kip Oebanda sa roster of directors na napili nina Dondon Monteverde at Erik Matti na humulma ng mga bagong pelikula para sa Reality MM Studios.
Sina Dondon at Erik ay co-owners ng naturang movie outfit.
Nagtapos ng Bachelor of Arts in Economics sa San Beda College, si Kip ay pinarangalan bilang isa sa Ten Outstanding Students of the Philippines noong 2005.
Siya rin ang pinakabatang graduate ng Masters program ng The Asian Institute of Development Management.
Ang Philippine adaptation ng South Korean horror movie na Haunted Asylum at isang episode ng Rabid ang dalawa sa mga proyekto ni Kip bilang direktor ng Reality MM Studios.
May kinalaman sa social media ang kuwento ng kabanata ng Rabid na gagawin ni Kip, na inaming naalarama sa masamang epekto ng social media sa kalusugan at sa lipunan.
"I actually left social media. I don’t post anymore because on my research on how bad it is for society, for mental health, in creating a division among people.
"And I’m interested in exploring that a little more," pahayag ni Kip nang makausap siya ng Cabinet Files.
Excited din siya sa pagpili ng cast members para sa Haunted Asylum.
"And then I’m working on adaptation of a hit Korean movie Haunted Asylum. It’s a fairly famous Korean movie.
"Nasa development pa. And I think, by August, we would be able to cast na. Mag-o-open na kami ng casting.
"I would prefer na may audition process. I am not averse to working with non-actors."
Ibinigay niyang halimbawa ang resulta nang makatrabaho niya si Seth Fedelin noong 2019.
Si Seth ay produkto ng first batch ng teen housemates sa Kapamilya reality show na kakalabas lang ng PBB, si Seth Fedelin.
"So when I worked with him in Abandoned, he had zero acting experience and it was fairly well-received.”
BIOPIC OF KIP'S MOTHER, A MARTIAL LAW DETAINEE
Si Kip ang writer-director ng Ka Liway, ang critically acclaimed movie tungkol sa buhay ng kanyang ina na si Ma. Cecilia Flores-Oebanda na ginampanan ni Glaiza de Castro.
READ: Pelikula ni Glaiza de Castro sa Cinemalaya, binigyan ng standing ovation
Church catechist si Cecilia noong panahon ng batas militar, na idineklara ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Gumamit si Celia ng alias na Ka Liway nang umanib siya sa New People’s Army.
At dahil martial-law political detainee si Cecilia, isinilang at pinalaki niya ang kanyang dalawang anak na sina Kip at Malaya sa loob ng kulungan.
Bilang mga biktima sila ng batas militar, ang reaksyon ni Kip tungkol sa pagkakahalal kay Ferdinand Marcos Jr., anak ng dating diktador, bilang ika-17 na pangulo ng Pilipinas ang itinanong sa kanya.
"Honestly, I struggled to articulate kasi I haven’t emotionally processed it. It’s very hard emotionally.
"Hindi ko pa alam what I feel about it. We need time to process it," pag-amin niya.
Dagdag niya, "But that’s the voice of the people. Isa ang ipinaglalaban namin, democracy, so we respect the voice of the people."