PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Actor buys 3.5-carat diamond engagement ring for girlfriend

Aktor, desidido nang pakasalan ang girlfriend.
by Jojo Gabinete
Published Jul 11, 2022
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Balak na ng 38-year-old actor na alukin ng kasal ang kanyang girlfriend kaya bumili na siya sa ibang bansa ng engagement ring.

Pero totoong may pakpak ang balita kaya mabilis na kumalat ang plano niya.

Hindi ordinaryong singsing ang pinili ng aktor dahil 3.5-carat diamond engagement ring ang binili niya para sa kanyang mapalad na girlfriend na kilala sa mundong ginagalawan nito.

Sinabi ng Cabinet Files source na tulad ng pagmamahal ng aktor, mahal din ang presyo ng engagement ring na napusuan niyang ibigay sa kanyang girlfriend kapag nag-alok na siya ng kasal.

Tiyak na sasabihin ng aktor sa mga tagahanga nito ang desisyon niyang bumuo ng sariling pamilya dahil ibinabahagi nila ng kanyang girlfriend sa publiko ang mga importanteng pangyayari sa kanilang personal na buhay.

Kapwa nasa wastong edad ang dalawa para magpakasal at boto ang mga kaibigan nilang sila ang magkatuluyan kaya inaasahang mangyayari sa lalong madaling panahon ang marriage proposal ng aktor sa kasintahan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results