PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapamilya broadcast journalist, lilipat sa AMBS 2?

Broadcast journalist, magiging asset sa news department ng "Kababayan network"
by Jojo Gabinete
Published Jul 16, 2022
Sino itong award-winning Kapamilya broadcast journalist na namataang nakipag-meeting kay Willie Revillame at sa AMBS 2 President na si Maribeth Tolentino kahapon, July 15, sa Wil Tower, Quezon City?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

From ABS-CBN to AMBS 2.

Malaki ang posibilidad na lumipat sa AMBS 2 ang isang award-winning broadcast journalist dahil nakikipag-usap na siya kay Willie Revillame at sa AMBS 2 President na si Maribeth Tolentino.

Nakita namin ang pagdating ng broadcast journalist sa 42nd floor ng Wowowin: Tutok To Win studio sa Wil Tower Mall, Quezon City, pagkatapos ng contract signing ni Willie na nangyari kahapon, July 15.

Dumating ang broadcast journalist sa Wowowin studio para sa meeting niya sa mga executive ng AMBS 2 na patunay sa sinabi ni Willie na personal ang pakikipag-usap nila sa mga talent na kanilang kukunin para sa mga programa ng kanyang bagong home network.

Kaya hindi dapat paniwalaan ang mga kumakalat na balita, maliban na lamang kung sila ang naglabas ng opisyal na pahayag.

Kung matutuloy ang paglipat ng broadcast journalist sa AMBS 2, tiyak na magiging asset siya sa news department ng television network na gusto ni Willie na tawagin na "Kababayan" network dahil matagal nang panahon na ginagamit ang naturang salita na akmang-akma para sa lahat ng mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang AMBS 2 ang television network na pag-aari ng billionaire at former Senate President na si Manny Villar.

Malaki ang partisipasyon ni Willie sa "Kababayan Network" dahil may kinalaman siya sa pagpili at pakikipag-usap sa mga artistang papipirmahin ng kontrata at sa lahat ng mga programa na mapapanood sa AMBS 2.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino itong award-winning Kapamilya broadcast journalist na namataang nakipag-meeting kay Willie Revillame at sa AMBS 2 President na si Maribeth Tolentino kahapon, July 15, sa Wil Tower, Quezon City?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results