PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GF ng aktor na produkto ng noontime show talent search, buntis

Hindi pa handang aminin ng aktor ang bagong kabanata sa kanyang buhay.
by Jojo Gabinete
Published Jul 17, 2022
Cabinet Files blind item
Kumpirmadong buntis ang non-showbiz girlfriend ng aktor na produkto ng noontime show talent search. Hindi pa handa ang aktor na aminin ang bagong kabanata sa kanyang buhay.

Buntis ang girlfriend ng aktor na produkto ng talent search ng isang noontime program sa telebisyon kaya may plano ang dalawa na magsama.

Naninirahan ang girlfriend ng aktor sa isang island province sa Central Visayas region at nagtatrabaho siya bilang speech therapist.

Dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis,nagpaalam ang karelasyon ng aktor sa pinaglilingkuran na klinika.

Nakilala ng aktor ang kanyang girlfriend sa paaralan na pinapasukan nila noon at dito nagsimula ang kanilang on-and-off relationship.

Ang kasintahan niya ang dahilan kaya madalas na pumupunta ang aktor sa probinsya.

Ngayong nagbunga na ang kanilang pagmamahalan, kasama sa balak ng girlfriend na lumuwas sa Metro Manila para hindi na sila malayo sa isa’t isa ng ama ng magiging anak nila.

Hindi pa handa ang aktor na aminin ang bagong kabanata sa buhay nito at cooperative ang kanyang girlfriend na hindi ginagamit ang tunay na pangalan sa social media accounts niya.

Pribado rin ang Instagram page ng babae kaya mahihirapan ang fans at stalkers ng aktor na makakuha ng mga impormasyon tungkol sa kanilang pilit na inililihim na relasyon, pero hindi na ito puwedeng itago dahil may pakpak ang balita at may tenga ang lupa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumpirmadong buntis ang non-showbiz girlfriend ng aktor na produkto ng noontime show talent search. Hindi pa handa ang aktor na aminin ang bagong kabanata sa kanyang buhay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results