May mensahe ni Josef Elizalde para sa mga taong hindi matatanggap ang kanyang karakter sa sexy-thriller-drama movie na Purificacion.
Isang pari na may "hidden agenda" ang role ni Josef sa Purificacion at may mga eksenang baka hindi magustuhan ng mga moralista kaya nagbitaw siya ng payo.
Pahayag niya, “Yung mga mao-offend ang mga tao, I guess you cannot please everyone.
"If it’s not for you then don’t watch it. Kung mao-offend ka, huwag mo na lang panoorin. It’s part of our work.”
Pinaghandaan daw ni Josef ang role niya bilang pari dahil maganda ang kuwento ng pelikulang tinatampukan din ng sexy stars na sina Cara Gonzales, Ava Mendez, at Rob Guinto.
“I was really into the movie. Sabi ko lang, sana ako ang makuha dahil maganda talaga yung story.
"So, without hesitations, I accepted the project.
"Nung sinabi sa akin na okay lang ba na pagupitan ako, nagpagupit ako.
“Siyempre, bilang artista, you have to make sacrifices also for the role. I am willing to do it for the character and the movie.
“Saka marami naman ang nagsabi na cute ako [sa short hair], especially ang mommy ko.”
Nag-aral si Josef sa isang Catholic school pero nagpalit siya ng relihiyon noong 2017.
Nanood si Josef ng pelikulang may kinalaman sa mga pari para mabigyan niya ng hustisya ang karakter na ipinagkatiwala sa kanya.
Saad niya, “Growing up, yes, I was a Catholic. But recently, 2017, when I changed religion. I became a Christian.
“Wala naman po akong naging peg. I watched movies including involving mga priest like Angels & Demons.
“Ginaya ko lang yung nuances nila, how they talk. I read the book, Angels & Demons before but that was a long time ago.”
Ang Purificacion ang ikatlong pelikula ni Josef na siya ang bidang lalake pero hindi raw niya ito inilalagay sa kanyang isip dahil pantay-pantay ang kanyang trato sa lahat ng mga proyekto.
“I treat it as one of my projects. I’m just really blessed and grateful na binibigyan ako ng projects na ganito.
“I’m really honored for all the blessings that I’ve been getting these past few years. In return, ginagawa ko yung best ko para makita nila na I’m really grateful for what they’re giving me.
"It’s give and take lang," paliwanag at pasasalamat ni Josef.