PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gina Pareño opens up about relationship with Nenita Vidal

"Hanggang ngayon, mahal ko siya."
by Jojo Gabinete
Published Jul 19, 2022
gina pareno nenita vidal
Gina Pareño on relationship with former LVN actress Nenita Vidal: "Naka-recover na ako mula sa pagkamatay niya pero hindi na ako naghahanap. Masakit kasi ang magmahal kapag nawawala. Ayoko nang magmahal. Masaya na ako na nakaramdam ako noon ng ganoong klase ng pagmamahal. Talagang true love yun."
PHOTO/S: YouTube

Nagulat ang veteran at multi-awarded actress na si Gina Pareño nang mabasa niya ang mga headline ng iba’t ibang entertainment sites na member siya ng LGBTQ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer) community.

Ito ay matapos niyang aminin sa isang interbyu na nagkaroon sila ng relasyon ng former LVN actress na si Nenita Vidal (Milagros "Bong" Eraña ang tunay na pangalan).

Read: Veteran actress Gina Pareño proud member of LGBTQ community: "Oo, bakit? May problema?"

Hindi pamilyar si Gina sa mga termino tungkol sa mga bakla at tomboy kaya nilinaw niyang hindi siya tomboy o bahagi siya ng LGBTQ community.

“Hindi ko alam ang mga LBM, LGU, LGBTQ na ‘yan,” mali-maling reaksiyon ni Gina nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Martes ng hapon, July 19, 2022.

Sumpa pa ng beteranang aktres, “Mamatay man, hindi ko alam ‘yan. Hindi ako ipokrita.

"Naku, ayokong nata-title sa ganito!

“I’m all woman! Hello!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi nito inililihim ang pakikipagrelasyon sa kapwa-babae.

“Kailangang maramdaman ko na mahal kita bago ako makipagrelasyon, pero first time lang nangyari yung sa amin ni Bong," pagtukoy niya sa dating aktres na si Nenita Vidal.

“First time ko na makipagrelasyon sa tomboy, pero hindi ibig sabihin, tomboy rin ako o member ng LGBTQ.

“Kapag ang puso ko ang tumibok, hindi importante sa akin kung member ka ng LGBTQ o kung anuman ang term na hindi naman ako pamilyar."

GINA-BONG RELATIONSHIP

Nag-umpisa ang relasyon nina Gina at Bong noong 1993 pero tumagal lamang ito ng walong taon dahil binawian ng buhay ang dating artista.

Naging dentista ang propesyon ni Bong matapos talikuran ang showbiz.

nenita vidal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Gina, “Hindi ko alam na artista siya dati sa LVN at Nenita Vidal ang screen name niya.

"Hindi naman niya sinasabi sa akin. Hindi siya nagkukuwento. Nakita ko lang yung mga scrapbook niya.

“Mabait siya sa lahat ng anggulo at saka disenteng tao siya."

Dagdag pa niya, "Nung first time ko siya makilala, magaan agad ang loob ko. Parang soulmate ko siya.

"Ang pagmamahal naman, walang kasarian. Basta huwag mo lang lolokohin ang sarili mo.

"Saka hindi namin itinatago ang aming relasyon, wala naman nagtatanong. Siguro natatakot sila kay Bong."

Napaluha ang beteranang aktres habang binabalikan ang maliligayang araw na pagsasama nila ng karelasyong pumanaw dahil sa kanser.

"Naka-recover na ako mula sa pagkamatay niya pero hindi na ako naghahanap. Masakit kasi ang magmahal kapag nawawala.

“Ayoko nang magmahal. Masaya na ako na nakaramdam ako noon ng ganoong klase ng pagmamahal. Talagang true love yun.

“Natutunan at naramdaman ko na meron palang ganoong pagmamahal na ikaw lang ang mamahalin. First time ko na naranasan yun dahil dati kinakaliwa ako.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ni minsan, hindi raw pumasok sa isip ni Gina noong kabataan nitong darating ang araw na magkakaroon siya ng relasyon sa kapwa babae, pero ibang klase ng pagmamahal daw ang naramdaman niya para kay Bong.

Pahayag niya, “Talagang naramdaman ko na mahal ko siya. Hindi ko tinuruan ang sarili ko.

"Ang mahalaga sa akin, sobra ang respeto ko sa kanya.

"Ako talaga, kapag mahal ko ang isang tao, hindi ko siya puwedeng i-deny.

"Mahal ko yun, e. Ipinagmamalaki ko yun sa buong mundo.

“Hanggang ngayon, mahal ko siya. Kung mabubuhay lang siya uli, yung mga iniwan niya, ibabalik ko sa kanya."

Sabi pa ni Gina, “Bihira akong magmahal nang tapat.

"Maski nga sa mga lalake noon, di ba, naanakan ako? Mga minahal ko yun, e.

“Nakikipagrelasyon ako dahil sa pagmamahal. Kailangan kasi, maramdaman ko na mahal ko.

"Hindi ako yung madalas makipagrelasyon."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gina Pareño on relationship with former LVN actress Nenita Vidal: "Naka-recover na ako mula sa pagkamatay niya pero hindi na ako naghahanap. Masakit kasi ang magmahal kapag nawawala. Ayoko nang magmahal. Masaya na ako na nakaramdam ako noon ng ganoong klase ng pagmamahal. Talagang true love yun."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results