Nagsimula ang lock-in shooting ng pelikulang Hello, Universe sa La Union ngayong Miyerkules, July 20, 2022.
Ang Hello, Universe ang fantasy-comedy movie na unang directorial job ni Xian Lim para sa Viva Films at siya rin ang sumulat ng kuwento ng proyekto.
Pinagbibidahan ito nina Janno Gibbs, Anjo Yllana, at Sunshine Guimary.
Itinuturing ni Xian na malaking karangalan na siya ang direktor ng reunion movie nina Janno at Anjo sa Viva Films dahil ang mga nabanggit na aktor ang kanyang mga iniidolo.
Lahad ng actor/director/writer, “Tuwang-tuwa po ako. We had our meetings and nagsimula kami sa look test a couple of days ago.
“Nakakatuwa lang kasi alam mo na ibibigay nila lahat sa project. You can really see the passion and the enthusiasm sa mga mata nila.
“It’s such an honor to be working with Sir Janno and Sir Anjo kasi sila yung literal na bata pa lang ako, iniidolo ko itong mga ‘to.
“It’s such an honor to be graced by their presence for them to bring years of experience sa industriya sa material na meron kami."
Patuloy ni Xian, “A couple of days ago, nagkukuwentuhan kami with the production team.
"Ang sabi nila, grabe, ibang-iba from reading the material first then binigyang-buhay ng cast namin. Parang it had a new life.
"So, nakaka-inspire."
Ginanap ang story conference ng Hello, Universe ngayong Miyerkules ng hapon, July 20.
Muling nagbabalik si Anjo sa paggawa ng pelikula at malaki ang kinalaman ni Janno kaya kinuha ng Viva Films ang kanyang serbisyo.
Malalim ang pinagsamahan ng dalawa na huling nagkasama sa controversial noontime show ng Net25, ang Happy Time, na hindi nagtagal sa telebisyon.
Read: Anjo Yllana tinanggal sa Happy Time pagkatapos isumbong ang pag-iinuman umano nina Boobsie
Kung karangalan para kay Xian na makatrabaho si Anjo sa Hello, Universe, excited naman ang 54-year-old comedian sa unang pagkakataong pagsasama nila sa kanyang comeback movie.
“Si Direk Xian, first time ko makatrabaho. First time kami nag-meeting the other day.
“Ako, personally, I felt very comfortable kaagad. Hands-on siya.
"I think he’s a very talented director and, at the same time, a writer.
“He is very supportive at ako very excited. Siguro, you will hear more from me kapag tapos na yung movie,” sabi ni Anjo, na bakas sa mukha ang nararamdamang excitement dahil sa kanyang muling pag-arte sa harap ng kamera.