PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kakampinks, Dilawans offer prayer for DDS Atty. Bruce Rivera

Atty. Bruce Rivera, na-coma dahil sa aneurysm.
by Jojo Gabinete
Published Jul 20, 2022
atty. bruce rivera aneurysm
Kasalukuyang nasa ICU ang avid Duterte supporter na si Atty. Bruce Rivera matapos itong atakihin ng aneurysm. Humihiling ang kanyang pamilya at mga kaibigan ng dasal para sa kanyang paggaling.
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Kilala si Atty. Bruce Rivera bilang social media influencer at avid supporter ni former President Rodrigo Duterte.

Higit na kilala si Rivera na kritiko nina ex-Vice-President Leni Robredo, dating Senador Kiko Pangilinan, at ng mga Kakampink o mga kaalyado ng mga kababayan nating inaakusahang “dilawan.”

Pero muling napatunayan ang kabutihan ng kalooban ng mga Pilipino dahil sa pagsubok na pinagdaraanan ni Rivera, na kasalukuyang nakaratay sa ICU ng isang ospital.

Isinantabi ng mga supporter nina Robredo at Pangilinan, na mga binansangang mga Dilawan at Kakampink, ang mga usapin tungkol sa pulitika dahil marami sa kanila ang humihiling at nag-aalay ng dasal para sa kaligtasan ni Rivera na biktima ng aneurysm.

Nasa kritikal na kundisyon ang kalagayan ni Rivera, ayon sa kanyang kaibigan na si MJ Quiambao Reyes.

Ipinagtapat ni Reyes sa kanyang Facebook live ngayong Miyerkules, July 20, 2022 na unresponsive at unconscious si Rivera nang isugod ito sa ospital kahapon, July 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He was rushed sa hospital ng around 5 p.m. He’s in a not-so-good condition.

"The doctor says it’s aneurysm so kailangan niyang maoperahan.

"Pero, of course, ililipat namin siya sa mas malaking ospital para makita siya ng mga espesyalista na neurosurgeon at malaman namin ang best thing to do,” lahad ni Reyes sa kanyang Facebook live tungkol sa kundisyon ng kalusugan ni Rivera.

Dagdag niya, “We need to wait din for the mother, si Mommy Lorna, to arrive on Friday para siya ang… kailangang antayin namin.

"Nag-agree na i-intubate siya para at least to extend Bruce’s life and maantay niya si Mommy Lorns, and then si Mommy Lorns will have to decide kung mag-undergo pa ng operation.

"So ngayon, ang hinihingi po namin ay dasal.”

Sa kanyang huling Facebook post ngayong Miyerkoles ng gabi, muling humiling si Reyes ng dasal para kay Rivera.

Aniya, “Please pray for our dear friend Bruce Rivera who suffered from aneurysm. He is scheduled for a surgery at 8 p.m. Please help us storm the heaven with prayer.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasalukuyang nasa ICU ang avid Duterte supporter na si Atty. Bruce Rivera matapos itong atakihin ng aneurysm. Humihiling ang kanyang pamilya at mga kaibigan ng dasal para sa kanyang paggaling.
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results