PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gina Pareño on same-sex relationship with Nenita Vidal

Gina on Nenita: "Tomboy siya pero mas tunay na lalake pa siya sa ibang mga lalake."
by Jojo Gabinete
Published Jul 22, 2022
Gina Pareno, Nenita Vidal
Gina Pareño (left) on the late Nenita Vidal, aka Dr. Bong Eraña (upper and lower right): Buo sa kalooban niya yung pag-aalaga at pagmamahal niya sa akin. Tomboy siya pero mas tunay na lalake pa siya sa ibang mga lalake."
PHOTO/S: @yourlolagets Instagram / YouTube

Bago pa man umamin ang veteran actress na si Gina Pareño tungkol sa walong taong same-sex relationship nila noon ng pumanaw na LVN actress na si Nenita Vidal, may mga gustong pumorma sa kanya.

READ: Gina Pareño, ayaw nang magmahal matapos pumanaw ang karelasyong si Nenita Vidal

READ: Veteran actress Gina Pareño proud member of LGBTQ community: "Oo, bakit? May problema?"

Nakakatanggap na siya ng mga text message sa kanyang cellphone at direct message sa Facebook messenger mula sa mga lalakeng nagpapahiwatig ng panliligaw.

At kahit ngayon daw ay may nagpadala ng mensahe na napapanaginipan niya si Gina buhat nang lumabas ang interbyu nito sa isang vlog.

May nagsabi ring ultimate crush niya ang beteranang aktres.

Hindi sineseryoso ni Gina ang mga nakakakilig na mensahe na kanyang natatanggap dahil hindi na kasama sa mga plano niya ang magmahal muli.

Dalawampu’t isang taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw si Nenita, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nakalilimutan ni Gina ang kanilang wagas na pagmamahalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bong Eraña ang tunay na pangalan ni Nenita na naging dentista matapos mag-artista.

Paglalarawan ni Gina kay Nenita: "Hindi siya palasak na tomboy. Maselan yun. E, ang tagal namin, eight years kami. Siguro, sinubukan ako.

"Maraming bagay ang itinuro niya sa akin. Maski pagkilos ko.

"Tama naman siya kasi yung iba diyan, echosera lang. Siya hindi. Buo sa kalooban niya yung pag-aalaga at pagmamahal niya sa akin.

"Tomboy siya pero mas tunay na lalake pa siya sa ibang mga lalake. Supladita rin yun.

"Hindi nga siya yung tibo na palasak na nakikita ko. Hindi mo nga siya mahahalata. Very private ang tao na yun."

Ang endearment nila noon sa isa't isa ay "love" at "mahal."

Eksklusibong nakapanayam ng Cabinet Files si Gina noong Martes ng hapon, July 19, 2022.

ON IMMORTALIZING HER LOVE STORY

Ikinuwento ni Gina na may mga pagkakataong napapaisip at napapaiyak siya kapag umaarte dahil sa mga makulay na eksenang naranasan niya sa kanyang tunay na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko nga sa 'yo, minsan kapag may mga eksena ako, umaatras ako dahil nakikita ko ang sarili ko. Naiiyak ako."

Bukas siya sa posibilidad na isadula ang kuwento ng pagmamahalan nila ng kanyang namayapang karelasyon.

"Naku, parang hindi na ako aarte. Ibig kong sabihin, magiging natural na natural na ang pag-arte ko.

"Hindi na ako aarte. Gusto ko, gusto ko [na isadula]," saad pa ng veteran actress.

Nenita Vidal and Gina Pareno

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

documentary ABOUT LESBIAN RELATIONSHIP

Nagpakita ng interes si Gina na mapanood sa Netflix ang documentary movie na A Secret Love.

Tungkol sa lesbian relationship ng baseball player na si Terry Donahue at ng businesswoman na si Pat Henschel ang kuwento ng A Secret Love.

Gina Pareno

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahigit sa anim na dekadang inilihim nina Donahue at Henschel sa kanilang pamilya ang relasyon nila dahil hindi pa tanggap noon ng lipunan ang same-sex love affair.

Nag-umpisa noong 1947 ang sikretong pagmamahalan ng dalawa na inamin lamang nila noong 2009 sa kanilang pamilya, na halos hindi nalalayo sa kuwento ng pag-iibigan nina Gina at Nenita.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gina Pareño (left) on the late Nenita Vidal, aka Dr. Bong Eraña (upper and lower right): Buo sa kalooban niya yung pag-aalaga at pagmamahal niya sa akin. Tomboy siya pero mas tunay na lalake pa siya sa ibang mga lalake."
PHOTO/S: @yourlolagets Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results