Watch Now

Direk Joey Reyes, may aral na gustong ibahagi sa mga baguhang direktor

by Jojo Gabinete
Jul 24, 2022
Joey Reyes
Bakit nga ba tinawag na "producer's director" si Direk Joey Reyes? Basahin ang paliwanag niya.
PHOTO/S: @direkjoey Instagram

May mga salita ng karunungan o words of wisdom na matututunan mula kay Joey Reyes ang kanyang mga kapwa direktor, lalo na ang mga baguhan na nagpapakita ng mga senyales ng "pagkalunod sa isang baso ng tubig."

Inamin ni Reyes na mayabang ito noong nagsisimula pa lamang siya bilang direktor pero malaki ang ipinagbago niya sa pag-usad ng panahon.

“Ang yabang ko noong bata ako. Mayabang ako kasi ganoon ka usually kapag nagsisimula ka.

"Kapag nakatikim ka ng konting kasikatan. Ang yabang ko,” ang nagpakatotoo na sabi ni Reyes nang makausap siya ng entertainment writers sa digital media conference ng kanyang bagong proyekto, ang Katawang Lupa.

“But when I look back at myself, when I was still starting out... yuck!

“Hindi naman as you age, you mellow but then, you learn about life.

"Alam mo, ang daling sumikat sa industriya na ito. Mahirap yung tumagal ka sa industriya na ’to. At para tumagal ka sa industriya, kailangan mag-adjust ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I cannot do the things I’ve been doing in the '80s when I started out. Kailangan mag-evolve ka.”

Kilala si Reyes bilang "producer’s director" dahil hindi siya nagbibigay ng problema sa mga producer ng pelikula.

Naniniwala rin siya sa kasabihang “Do not bite the hand that feeds you,” isang importanteng aral na dapat na isapuso rin ng ibang mga gumagawa ng pelikula.

“Why am I a producers director? Kasi you don’t bite the hand that feeds you.

“You try to make the work as cost-efficient and as profitable as possible, so that producer can do more work and hopefully provide you also with greater opportunities of employment.

"Because if I am employed, that means fifty other people are also employed and that for me is very important.”

Ang Katawang Lupa na isang original series na mapapanood sa Vivamax ang ika-89 na proyekto ni Reyes buhat nang mag-umpisa ang kanyang career bilang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa sa plano ni Reyes ang magretiro dahil desidido siyang makaabot sa 150 ang bilang ng kanyang mga proyekto.

“I plan to outlive the number of years of my mother and my mother passed away at the age of 101.

“This is my 89th project [Katawang Lupa]. The only time I will retire is after I hit 150 projects so medyo matagal-tagal pa yun,” ang natatawang sabi ni Reyes.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakit nga ba tinawag na "producer's director" si Direk Joey Reyes? Basahin ang paliwanag niya.
PHOTO/S: @direkjoey Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results