PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Anthony Fernandez frontal nudity scene in Scorpio Nights 3

Mark Anthony, curious malaman ang rating ng kanyang katawan.
by Jojo Gabinete
Published Jul 29, 2022
mark anthony fernandez scoprio nights 3
Hindi ito nagdalawang-isip si Mark Anthony Fernandez na tanggapin ang Scorpio Nights 3 kahit marami ang mga eksenang maghuhubad siya dahil malaki ang tiwala niya sa kanyang mother studio, ang Viva Films.
PHOTO/S: Vivamax

Hindi sinagot ni Mark Anthony Fernandez kung totoo o prosthetic penis lamang ang ipinakita niya sa kanyang frontal nudity scene sa Scorpio Nights 3.

Parang nangangahulugang “It’s for you to find out” ang pag-iwas ni Mark sa pagsagot sa tanong tungkol sa kontrobersiyal at pinag-uusapang eksena sa pinakamapangahas na pelikulang kanyang ginawa mula nang mag-umpisa ang acting career niya noong 1991.

Read: Mark Anthony Fernandez, humugot kay Jay Manalo para sa Scorpio Nights 3

Hindi nakadalo si Mark sa special preview ng Scorpio Nights 3 sa Gateway Cineplex noong Miyerkules, July 27, 2022, dahil nasa Baguio City siya nang magkaroon ng malakas na lindol.

Pero nakarating sa kanya ang mga papuri ng entertainment writers at film critics sa mahusay na pagganap na ipinamalas niya.

“Super thanks,” mensahe ng pasasalamat ni Mark sa lahat ng mga nanood at pumuri sa kanyang acting sa Scorpio Nights 3 na nag-umpisa ang streaming sa Vivamax nitong Biyernes, July 29.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I owe it to Direk Law Fajardo. Yung last scene ko, kinopya ko lang ang ginawa ni Direk Law bago nag-take.

"Bale todo kopya ang ginawa ko, as in 98 percent, kaya nagpalakpakan sila. One take lang yun.”

Co-stars ni Mark sa Scorpio Nights 3 sina Christine Bermas at Gold Aceron.

Hindi ito nagdalawang-isip si Mark na tanggapin ang project, kahit marami ang mga eksenang maghuhubad siya dahil malaki ang tiwala niya sa kanyang mother studio, ang Viva.

“Fan din ako ng Viva so okay agad,” saad ni Mark.

Tanong niya sa amin: "Ano ang rating mo?"

Ang buong akala namin, ang rating sa kanyang pagganap sa Scorpio Nights 3 ang nais na malaman ni Mark kaya sumagot kami ng "10."

Pero paglilinaw ng aktor, “Hindi. Ano ang rating mo sa katawan ko, from 1 to 10?”

Pinaghandaan ni Mark ang nude at erotic love scenes nito sa pelikula sa pamamagitan ng pagbabawas ng timbang at araw-araw na exercise kaya gusto niyang malaman ang reaksiyon ng manonood sa katawan na kanyang pinaghirapan at ipinagmamalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang matunog na halakhak ang pinakawalan ni Mark nang sabihin naming walang duda na mas maganda ang katawan niya at mas malakas ang kanyang dating kesa kay Gold.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi ito nagdalawang-isip si Mark Anthony Fernandez na tanggapin ang Scorpio Nights 3 kahit marami ang mga eksenang maghuhubad siya dahil malaki ang tiwala niya sa kanyang mother studio, ang Viva Films.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results